Chapter 32

40K 420 64
                                    

HELLOO!! Una sa lahat, ipa-buffer niyo na yung song sa gilid para 'di kayo mabitin mamaya at hindi masira ang moment niyo. Hahahaha. AYLABYU GUYS. SWEAR. Hihihi. :"">

-------------------------------


                Umaga na naman. AISH. It’s day two sa Boracay. At kung iniisip mong okay na kami ni Price, nagkakamali ka! Grabeng pagkakamali ‘yan! Oo, okay kami nung event. Pero pagbalik namin sa hotel...

*Flashback*

                Hawak parin ni Price ang kamay ko hanggang sa pagdating namin sa hotel. Ewan ko ba. Ang gaan-gaan na ng feeling ko. Para bang ang close close na namin magmula noon. Nagtatawanan pa kaming dalawa!

                Ramdam ko yung saya. Alam ko din na pareho kami ng nararamdaman. Yung tipong nakangiti lang kami kahit walang maturong dahilan. Ganun yung saya eh. Kahit ‘di namin alam kung bakit, nakangiti kami, at pareho kaming masaya.

                Ang sarap ng feeling. Yung tipong magkahawak-kamay kami ni Price na nagtatawanan. Hay! Ewan. Para bang napakakomportable ko talaga sakanya bigla. Hanggang sa bigla siyang napatigil, tapos hinarap niya ako.

                Yung left hand ko na hawak niya, tinignan niya, tapos nilapit niya sa mukha niya na parang may hinahanap. Tapos tinignan niya ako sa mga mata. Napakaseryoso ng tingin niya. Bigla tuloy akong kinabahan.

                “Nasaan yung wedding ring mo?” bigla niyang tanong sakin.

               Napatingin tuloy ako sa kamay ko. Ohmygoodness. Wala nga. Nasaan na?! Kinabahan tuloy ako lalo. Ano nalang sasabihin ko?!

                “A-Ahh... N-nasa CR... ata,” sabi ko. Actually, ‘di ko talaga alam kung nasaan. Nag-conclude ako na nasa CR kasi baka tinanggal ko nung naligo ako.

                “Ata? ATA?!” Binitawan ni Price ang kamay ko. “Anakng. ANO BA, SAYDIE?! Do you even care about our marriage?!”

 

                ANO?! Iniisip niyang wala akong pakialam sa kasal namin?! AKO?! Walang pakialam sa kasal namin?! PWEH. Insulto.

                “What?! Ano bang pinagsasabi mo?! I care about this marriage. I even care about it more than you do!”

 

                Pero ‘di niya pinansin yung sinabi ko.           

 

                “Buong gabi lang pala tayong NAGLOLOKOHAN! Pinamukha nating masaya tayong mag-asawa, and all this time WALA PALA YUNG EBIDENSYA NG KASAL NATIN SA KAMAY MO!” sabi niya.

 

                 Natigilan ako sa sinabi niya. Pinamukha lang namin ang lahat? Pakitang-tao lang?! Just so people can say we’re happy with our marriage?! Eh talaga naman palang naglolokohan lang kami!

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon