Chapter 35

40.7K 480 28
                                    

Comment naman kayo diyan. Hahaha. :""> HAPPY HAPPY NEW YEAR! *peeeeeeew BOOM* Haha. Tenkyu sa inyong lahat. ALABYU. Haha.

Nga pala, balak kong ituloy yung on-hold kong story: Na InLove Ako Sa (Kapwa Ko) Gitarista. Ituloy ko ba? Sagot! HAHAHA. Ang demanding.

>////< Ang. Gwapo. Po. Ni. Price. --->

Anyways. BASA!

------------------------------------


                “Sino si Janice?”

 

                Kitang-kita ko yung gulat sa mga mata niya.

 

                Hindi siya nakapagsalita. Gustuhin man niyang sumagot, hindi niya nagawa. Hindi siya nakasagot. Sabi ko na nga ba. May kakaiba. May dapat akong malaman.

 

                “Alam mo ba kung anong date ngayon, Price?” tanong ko ulit.

                Gulat parin siya at napaisip. Naalala na niya. Nawala na yung saya sa mga mata niya. Para bang... napalitan ng lungkot?

                Sino ba kasi si Janice? Ganun ba talaga siya kahalaga kay Price? Aish. Tulala na si Price. Parang ang lalim ng iniisip. Siguro iniisip niya si Janice. -__-

                Yung mga tao sa paligid namin, ang sasaya. Itong mga kasama namin, nagtatawanan. Tapos si Price, parang nawala. Tulalang-tulala. Gulat at malungkot.

                Hmm. Ganun niya  siguro kamahal si Janice. :((

                Gustuhin ko man na malaman na ngayon kung sino siya, ayokong masira ang araw. Lahat maaapektohan. At kitang-kita kong sobrang naapektohan si Price. Kailangan ko munang ipagpaliban ito.

                “Price, mamaya mo nalang sabihin. Kalimutan mo na muna yung sinabi ko ha?” sabi ko.

                Tumingin siya sakin at ngumiti. Isang maliit na ngiti.

                Naman eh. Saydie kasi.

                “’Wag mo nang isipin ha? ^__^ Ngiti ka na. Ayeee. Ngiti na ‘yan!” pilit ko. Ngiti ka na pleeeease. Ayoko namang nakasimangot lang siya buong hapon.

                Ngumit ulit siya. This time, totoo na. Haaaay! Buti naman! At least kahit papano ok na siya. Kung ako man, nabbother sa mga pangyayari, pwede kong itago. Ayoko namang siya pa ang nag-iisip.

                Ako nalang muna ang mag-iisip. Sino ba kasi yung Janice na yun?! >_<

                “Ayan na ang pagkain! YES!” deklara ni Leo.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon