Chapter 26

49.8K 538 33
                                    

Sorry sa napakatagal na update. Haha. Sorry talaga. Kinulit-kulit na ako ng lahat ng nakakakilala sakin dito (dalawa lang sila). Kaya nag-update na ko. SORRY HA. Natututo na kasi akong mag-inarte. Haha! Anyway. Sana, worth the wait ito. :D TENCHU SA LAHAT! LABYU GUYSS! ALABYU! :*

-----------------------------------------------


“Saydie!” may biglang tumawag sa akin. Pamilyar na boses. Nasira ang moment ko. Paglingon ko, nakita ko si Raissa at si Chris na naglalakad papunta samin. Syempre, invited sila dito! Pero wow ha, panira talaga ng moment!

Lumapit sakin si Raissa at nakipag-beso. Si Chris naman nakipagkamay kay Price. “Ang bongga niyo ha! Congratulations my dear best friend!” syempre si Raissa yan.

 

“Hahaha! Thank you naman! Kanina pa ba kayo?” tanong ko.

“Oo, since nung opening. Salamat sa VIP passes ha! Hahaha! Napadali tuloy pagpasok namin!” Biglang lumapit sakin si Raissa at bumulong. “Si Daniel daw ‘di makakapunta. Sorry daw. May emergency daw kasi eh.”

 

Ininvite ko rin si Daniel, syempre. Pero sayang, ‘di siya makapunta. Ano kaya yung emergency na yun? Last week may emergency din eh! Nakakakaba naman! Matanong nga minsan.

“Ang bongga ng mga damit teh! I LOVE IT! Number one supporter na ako ng Royalty! Promise talaga! I love the clothes!” biglang sabi ni Raissa na parang walang nangyari. “Tignan mo naman ang suot ko ngayon! Royalty ata ‘to! Lalo akong gaganda nito eh! Hahaha!”

 

“Saydie, congrats ha,” biglang singit naman ni Chris na nakipag-beso din sa akin. “Bigtime ka na! And you look beautiful tonight.” Naks! Ang aayos umasta ng mga kaibigan kong ‘to ah! Nag-iiba talaga ‘pag elites na ang nasa paligid. Haha!

“Tonight lang?” biro ko. Nagtawanan naman kaming lahat.

“Ay teka nga! Price! Andiyan ka pala,” biglang sabat na naman ni Raissa. “Hahaha! Bigatin na talaga kayong mag-asawa! Grabe! At gumagwapo ka lalo ha! Hahaha!” Ano namang trip nitong babaeng ‘to?

“Hahaha! Thank you! And you’re looking as beautiful as always. Kala ko kanina mga artista kayo ni Chris eh!” sagot naman ni Price. Naks! Ang ayos ayos ni Price ngayon ah! Dapat pala laging ganito. Maraming tao at nasa amin halos ang atensyon para laging nagtitino si Price.

“Wow, Price. Sipsip effect lang?” sabi ko sabay tawa.

Binatukan naman ako ni Raissa. ‘Di bagay sa suot niya. Haha! “Eto naman! Panira ng moment! Andun na eh! Sobrang ganda ko na eh! ARTISTA NA EH!”

 

“Tapos bigla mong binatukan si Saydie. Wala na. Raissa na ulit,” biro ni Price.

Nag-pout si Raissa kay Price. “EH! Siya kasi eh! Sorry na. Oh, ibalik mo na sa artista.” Nagtawanan kami ulit. Mga trip talaga nitong babaeng ‘to.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon