Chapter 45

28.5K 335 13
                                    

UPDATED! FINALLY! Hihihi. Pasensya sa paghihintay. Laki ng problema ko sa update. Wahahaha. Anyway, hope this is worth the wait. Medyo short ehh. Hihihi.

But here it is! THAAANKS FOR READING! Please vote and comment. Hihi.

At check niyo din pala yung mga one-shot ko. Hihihi. Penge ako konting minuto niyo para sa mga one-shot ko. Wahahaha. TENKS! LABYU GUYS! GOD BLESS! :) ~LOVE EXPLOSIONS!

---------------------------



                Parang napahaba ata ang tulog ko. T-teka... Ba’t parang ang uncomfortable  ng pwesto ko ngayon? At ang sakit na ng batok ko.

                Bakit parang ‘di ako makagalaw?

                O_O

                Nakaupo ako. At nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.

                Napatingin ako sa paligid, at parang bodega ang kinalalagyan ko. Hindi masyadong malaki, pero madilim.

                Ayokong mag-panic. Pero sobra-sobra na ang takot ko. Lalo pa’t hindi ako makagalaw at hindi ko alam ang nangyayari.

                Sinubukan ko nang magpumiglas sa pagkakatali sa akin.

                Baka makaalis pa ako.

                Nararamdaman kong nanginginig na ang katawan ko dahil alam kong any moment, may pwedeng dumating. At pwedeng mawala ang pagkakataong makatakas.

                And who knows what they might do to me?

                Basta ngayon, desperado na akong makatakas.

                “Hahahaha. Gising ka na pala. Sa wakas,” may biglang nagsalita sa likod ko. Isang boses na nakakadiring pakinggan.

                Nanlamig ang buong katawan ko.

                Nawalan ako bigla ng pag-asang makatakas. Parang lahat ng hangin sa katawan ko, nawala.

                Lumakad siya at pumunta sa harap ko.

                Dalawa pala sila.

                Hindi ko sila kilala. Pero mukha silang kriminal. Sila siguro ang nangidnap sakin.

                “S-Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?” tanong ko.

                Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. At gusto ko na ring umiyak sa sobrang takot. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon