Chapter 21

51.7K 636 17
                                    

                “Tita, look! I made this!” sabi ni Princess sabay abot sakin ng isang cut-out na heart na kinulayan niya ng pula. Jesus loves me ang nakasulat.

                Nginitian ko siya. “Wow! That’s so pretty! Did you have fun?” Tumango siya. “Are you hungry? Do you want to eat?” 11:30 na din kasi. Tumango ulit siya.

                “Price, saan tayo kakain?” tanong ko.

                “Sa McDo nalang. Hilig yun ni Princess eh. Ok lang ba sayo?”

 

                “Oo, sige.” Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hawak-hawak ni Price ang kamay ni Princess. Magkasama silang naglalakad. Ako taga-buhat lang ng gamit.

                May nadaanan kaming bookstore. Napansin kong may Bible na naka-display. Nang makita ko yun, napatigil ako. Parang may magnet na humihila sa akin. Para rin akong tinutulak para bilhin yung Bible. ‘Di ko maexplain, pero para akong nakakita ng isang bagay na gustong-gusto ko, pero ‘di ko pa nabibili. Ang nasa isip ko lang: Kailangan kong bilhin ‘to.

                Papasok na sana ako para bumili nang biglang narinig ko ang boses ni Price. “Saydie, tara na!” Nagsalita din si Princess. “Tita, let’s go! I want to eat!”

                Agad naman akong tumakbo sakanila at nagpatuloy kami sa paglalakad. Sobrang panghihinayang ang naramdaman ko. Para bang inalokan ako ng isang daang milyong dolyares, tapos tinalikuran ko. At eto ako ngayon, nanghihinayang.

                Pumasok kami sa McDo at pumila. Hawak-hawak parin ni Price ang kamay ni Princess, hindi niya binibitawan. Kinausap ko si Princess, “What do you want to eat?”

 

                “I want that one!” sabi niya sabay turo. Yung laruan ang tinuro niya. Napatingin tuloy ako kay Price. Papayag kaya ‘to.

                ‘Di ko alam kung namalik-mata ako o ano, pero parang napangiti siya. As in yung maliit na maliit na ngiti, tapos tumango siya.

                Kinausap ko ulit si Princess. “Ok, but you have to eat first, ok?”

 

                Tumango naman si Princess. “Yaaayy!” sabi pa.

                “Anong gusto mo?” biglang tanong ni Price.

                Parang nahiya ako. Para kasing ang ayos-ayos at ang tino tignan ni Price ngayon. “Chicken nalang,” sabi ko.

                “Sige na, umupo na kayo. Ako nang bahala dito.” Binigay niya si Princess sa akin. Kami naman ni Princess, umupo na sa malapit lang para ‘di na mahirapan si Price. Inupo ko si Princess sa high-chair at saka kami nagkwentuhan.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon