Chapter 61

25.7K 313 31
                                    

FINALLY. Hindi ko inakalang matatagalan pala ako ng bongga sa pag-update. Pasensya na guys. (T___T) Nafifeel ko na ang edukasyon. Hahahaha. Pero grabe, super thankyou sa lahat ng naghintay. Salamat sa mga nangulit. Hahaha. Dahil sa inyo, pinush ko talaga 'to. Haha. Maraming maraming salamat talaga sa lahaaaat ng sumusubaybay kahit pasukan na at bongga ang pagka-slow ng update ko. (Natawa tuloy ako nung may nag-add nito sa RL niya na "slow update". Haha. Pasensyahan! *kaway sayo, kung nababasa mo man 'to*)

Anyway, maraming salamat talaga sa paghihintay at sa 130k+ na reeeaads. OMG. Tenks talaga sa lahaat. Labyu guys. :* God bless you aaaall!

~LOVE EXPLOSIONS!

                The moment I woke up the next morning, I immediately felt a stab of pain in my heart. I felt so empty. Lalo na nung nakita ko yung empty space sa tabi ko. I’m all alone in this bed.

                Sobra-sobra yung loneliness na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nakuha ko na ang lahat ng pwede kong makuha sa mundo, tapos sa isang iglap bigla nalang nawala ang lahat.

                The silence was deafening. Kaya naman agad akong bumaba para magluto. Pero bago yun, binuksan ko muna ang TV at linakasan ang volume. Hindi ko makayanan ang sobrang katahimikan.

                Halos naka-max volume na yung TV. And I kept it that way hanggang sa kumain ako, nakapaghugas ng pinggan, at pagligo ko. Honestly, deep inside, I was hoping that Price would just suddenly show up at magsasabay kami papunta sa office. Pero nakapagprepare na ako’t lahat at walang Price na nagpakita.

                So I left the house with a heavy heart.

                Hanggang ngayon, mag-isa parin ako. At kahit manlang text o tawag mula kay Price, wala. Hindi manlang niya ako naalala.

                When I got to the office, dumaan ako sa office ni Price pero wala pa siya. So I tried calling him, pero hindi niya sinasagot. Gusto ko nga sana siyang puntahan nalang sa condo, pero binagsakan naman ako ng napakaraming trabaho. So I decided to just wait.

                But seriously, it’s driving me insane. Why wouldn’t he come home?! Why wouldn’t he answer my calls? Why wouldn’t he tell me what’s going on?!

                So a few hours passed nang biglang pumasok si Hannah sa office ko. “Saydie, nandiyan na si Price. But he’s busy talking to investors.” At agad din siyang lumabas.

                Nakahinga ako ng maluwag. Kahit trabaho na naman ang inaatupag niya at hindi niya manlang ako naisipang puntahan, at least alam kong nandiyan na siya. At least I know nothing happened to him and he’s safe. Pero syempre hahayaan ko ba namang dumaan ang isang minuto na hindi manlang siya nakikita, ngayong alam kong nandiyan na siya?

                Kaya naman tinakasan ko ang trabaho ko at pumunta sa office ni Price. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang palapit ako ng palapit sa office niya. OA na kung OA, pero talagang namiss ko siya eh. I’m just really so desperate for him. Pero nung natanaw ko ang office niya, he was busy talking on the phone.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon