Chapter 12

57.3K 736 28
                                    

Ayan, naka-update na din sa wakas. Haha. Kung mapapansin niyo, iniba ko yung "format" ng story. Na-realize ko kasi na mas madaling basahin 'pag nakabold yung sinasabi. Haha. Ewan ko lang. :D Sana magustuhan niyo... Haha.

----------------------------

                               Pagdating ng uwian, tumambay muna ako sa library bago umuwi. Ayoko pa kasing umuwi eh. Si Raissa at Chris nauna na; nag-date ata eh.

                Hay. Kung pwede sanang dito nalang ako sa library matulog. Mas gugustuhin ko pa kaysa umuwi sa condo. Makikita ko na naman si Price. Waaa.

                Balak ko na sana talagang magtago sa library para dun na ko tumira. Sinimulan ko na ngang iligpit yung gamit ko eh. Tatayo na sana ako nang may biglang kumalabit sakin.

                Paglingon ko, si Daniel pala, nakangiti pa sakin. Napangiti tuloy ako ng ‘di oras.

                “Oh, Daniel. What are you doing here?” tanong ko.

                “I noticed you from outside. It seemed like you were alone. So I went to see if you were fine,” sagot naman niya.

                “Ahh. Yeah, mag-isa ako. Hehe. Pero uuwi na din ako eh. Ikaw ba? Are you going home?”

                “Yes, actually. Come on, I’ll give you a ride home,” sabi niya. “Or is your husband here to fetch you?” Tumingin siya sa labas, hinanap ang asawa kong siguradong hinding-hindi magpapakita.

                Natawa ako. “No, my husband’s not here. He’s not coming.”

                Nagulat ako nang marinig ko yung bitterness sa mga sinabi ko. Pero mabuti nalang at ‘di napansin ni Daniel.          

                “Oh, really? Well, I’ll give you a ride home. Come on,” sabi niya sabay kuha sa mga gamit ko.

                Ngumiti nalang ako at sumunod sakanya.

                “So, how’s married life?” bigla niyang tanong sakin nung nasa sasakyan na kami.

                Napabuntong hininga ako at pinag-isipan ang isasagot ko. “Well... It’s beyond my expectations.”

                “Don’t you regret being married so early?” biglang tanong niya sakin.

                Pinag-isipan ko yun. Pinagsisisihan ko nga ba? Pagkakamali nga ba ‘to? Pagkakamali bang sinakripisyo ko ang kaligayahan at kagustuhan ko para sa pamilya ko?

                “No. I think I did the right thing,” sagot ko.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon