Chapter 64: Rathro Is Evil?

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumakas ang tibok ng puso ko. Kung totoong hinahanap nga nila ang tatlong tagapagmana, isa lang aang ibig sabihin nito...nasa peligro ang buhay ni Reen.


"Huwag kang masyadong kabahan. Those are just my speculations. Maybe I am just overthinking," bawi naman niya. Pansin niya siguro ang panginginig ng kamay ko.




"But what if those are true? We have to get out of here! Reen might be in danger right now katulad ng iniisip mo!" Pati labi ko ay nanginginig na rin sa pangamba. Hindi ko lubos na maatim kapag may mangyaring masama kay Reen.


Inilibot ko ang paningin ko baka sakaling may makita akong butas na maaaring magamit ko upang makatakas kami rito. Ngunit wala akong nakitang loophole sa selyong ginamit upang panatilihing hindi gumagana ang signus sa loob nito. The cell is equipped to imprison even the strongest man alive.



Si Finnix!

Biglang sumagi sa isip ko ang pangalan niya na siyang nagpabilis pa lalo sa tibok ng puso ko. Pero hindi ito ang panahon upang ispin ang mga bagay na ito. Reen's life is what matters right now. Kung may iisang tao man na poprotekta kay Reen ay si Finnix iyon. I know he would protect her.

Kung narito man siya ngayon, sana naman ay maisipan niyang dalawin ako rito. Sana maisipan niya man lang na alamin ang kalagayan ko ngayon. Sana pumunta siya rito. Handa akong tanggapin lahat ng panunumbat niya mabalaan ko lang siya tungkol kay Reen.





At the Conference Hall.

Third Person's POV

Hindi man lang nakaramdam ng pagka-inip ang bawat isa sa loob ng conference hall kahit ilang oras na silang naghihintay. Bagkus, sila ay na-eexcite nang makita ang tunay na hari ng Archania. Ang siyang nagligtas sa napakaraming tao noong unang panahon hanggang sa ngayon.

Lahat sila ay nakaramdam ng napakalakas na presensiya na papalapit sa kanila.



"This is the presence of a diefied being! King Rathro is coming!" King Feugo exclaimed. Kahit na ang ibang hari ay natutuwa din dahil papalapit na ang taong kanilang hinihintay.

Nagpakita ang pigura ni Rathro sa pintuan. Nakangiti ito nang matiwasay na tila isang anghel.



"Greetings to the rightful king!" Kaagad na tumayo ang lahat at yumuko upang bigyang pugay ang pagdating ni Rathro. Sa mata ng mga nakakataas ay tila isang diyos si Rathro. Nagulat naman ang mga kawal na nakatayo sa pintuan. For them it is an odd scene. The kings, queens, princes and princesses are bowing to one person. They are all bowing to Rathro. But the warriors  soon thought that Rathro is truly higher than any of them.

"No need for formalities. You may all stand up straight and act to your titles as royals of  Archania." Rathro said while smiling. Tumayo naman nang tuwid ang lahat dahil sa sinabi ng lalaki. "You may now seat" dagdag pa nito. Parang mga manika namang sumunod ang mga royals at umupo sa kanilang upuan.

Between them is a long table na walang kahit na anong bagay na nakapatong. Tumingin si Rathro sa isang kawal at sumenyas. Tumango naman ito at umalis. Pagbalik ng kawal ay nakasunod naman ang mga nakaunipormeng babae na may dalang pagkain. Maingat nila itong inilapag sa mesa na kahit tunog ng pagpatong ng mga kubyertos sa mesa ay hindi maririnig.

Naguluhan naman ang lahat ng naroon dahil sa biglang pagbabago at napansin ito ni Rathro. "Ah! I want this meeting to be as friendly as possible. I don't want you to feel awkward with me. And besides, my advisor said that this is how meeting is done nowadays" then Rathro displayed a smile.

One of the queens saw something strange behind Rathro's smile. Napansin niyang tila pilit na mga ngiti ang mga ito. There is no sincerity behind those smile. Ngunit hindi niya na ito pinansin dahil baka pinipilit lang talagang ngumiti ni Rathro upang mapalapit sa kanila.



Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon