13

1.6K 79 41
                                    

"Congrats to us!" we all cheered and tossed our glasses of iced tea. Yes, iced tea. Not beers nor wine nor any alcoholic drink.

Cresha, Diantha, and I, together with some blockmates, are celebrating at Cresha's place cause finally, natapos at nakaya namin ang unang taon sa kolehiyo. Katatapos lang ng ceremony namin at dito kami kaagad dumiretso.

Alam kong mas gusto nila ang alcoholic drinks ngunit iced tea at juice lang ang sinerve. Hindi ko alam kung may kinalaman ba 'to sa pagkaroon ko ng trauma tuwing makakita ako ng mga inumin o sadyang strikto lang ang parents ni Cresha at walang beer dito.

"Having fun?" napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Jarvis iyon. May hawak siyang dalawang glass ng orange juice at binigay sa akin ang isa.

Bago pa ako makasagot, tinawag na kami ni Diantha.

"Lunch na love birds! Later na landi!" pasigaw niyang sabi kaya natuon ang pansin ng lahat sa amin. Dahil sa kahihiyan, nilagok ko ang buong baso ng juice at nagkunwaring walang alam sa nangyayari.

"Noted maam!" nabulunan ako sa sagot ni Jarvis. May pa salu-saludo pa ang loko! At imbes na tulungan ako, tinawanan lang ako ng loko!

Walang hiya!

"Are you okay now?" tanong niya ngunit inismiran ko lang siya at dumeretso na sa mesa. Mabilis ang paglakad ko kaya naiwan siya ngunit nakahabol din kalaunan.

Napaigtad ako at napatigil ng lakad nang maramdaman ang matipuno niyang braso sa aking balikat. Ano na naman ang trip nito?

"Sugar, breathe..." dahil sa sinabi, napagtanto kong tumigil din ang paghinga ko. Dali-dali kong inalis ang kaniyang braso at sinamaan siya ng tingin.

Akala niya siguro walang nakakita ng ginawa niya! Sigurado ako na panibagong issue na naman to! Mga chismosa pa naman ang mga narito!

Tinawanan niya lang ako at hinila na papunta sa mahabang mesa kung saan kami kakain. Hindi lahat ng blockmates namin imbitado at yung mga ka-close lang ni Cresha ang narito. Buti naman at wala si Perri. Nakakainis pa naman ang witch na 'yon!

Puro tawanan, kainan, at asaran lang ang ginawa namin buong maghapon hanggang sa nagsiuwian na sila. Niyaya rin kami ni Jarvis na maghapunan sa resort. Akala ko papayag sina Cresha at Diantha ngunit may binabalak yata ang dalawang baliw.

"Naku! Gusto ko sanang sumama kaso magdi-dinner din kami nina papa mamaya eh!" ani Cresha sabay simangot.

Aba! Napakasinungaling! Ang plano namin noong nakaraan ay magkasama kaming tatlo nina Diantha na maghapunan. Pero ngayong si Jarvis na ang nagyaya, biglang may family dinner?

"Akala ko bukas pa dating ng pa—"

"Hindi rin ako pwede," biglang pagtanggi ni Diantha at hindi ako pinatapos. "May dinner date ako." Aba! Sinungaling din pala ang isang 'to!

"Si Sugar na lang! Diba wala kang kasama maghapunan?" ani Diantha sabay baling sa akin. Pinalakihan niya ako ng mata ngunit sinamaan ko siya nang tingin.

Mayroon akong kasama maghapunan! Kayo ni Cresha!

Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni Cresha.

"Oo! Payag na yan!"

Hindi na ako nakaangal dahil nag-okay na si Jarvis. Besides, wala naman sigurong masama kung magkasama kaming magdinner.

At gaya ng napag-usapan, magkasama nga kaming naghapunan ni Jarvis. Napagdesisyonan namin na sa seaside na lang kami magkikita dahil doon din naman kami kakain. Wala masyadong tao at kaunti lang ang narito na nagdi-dinner.

Letters to My HeartbreakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora