Prologue

9.1K 195 67
                                    

"Walang hiya kang bata ka!" sigaw ni mommy at sinampal ako sa bibig.

"Sana hindi na lang kita pinanganak! Sinira mo ang buhay ko!" aniya sabay kuha ng vase at ibinato iyon sa akin.

Hindi ako umilag at hinayaan na lang na tamaan ako. Naramdaman ko ang intensidad ng pagbato niya nang tumama iyon sa aking ulo. Ang mga piraso ng nawasak na plorera ay nagkalat pero may bahid na iyon ng dugo.

Napahawak ako sa aking noo nang maramdaman ang likidong tumutulo sa aking mukha.

"How dare you blame me for your father's death!" sigaw niya ulit pero hindi ako nagpatinag. "Your father cheated on me too! If it wasn't for you, we wouldn't be trapped in this hellhole of a marriage!"

My dad cheated?

But... I always thought that he loves my mom! I was aware of my mom's infidelity but it was never brought to my knowledge that my dad... cheated too.

"Oh, what happened? Cat got your tongue, Shaunelle?" she shouted, lividness evident in her eyes, "You thought your father was innocent? Well guess what, he's unfaith--"

"Dad never lied to me! Hindi siya katulad mo!" I shouted back and rushed towards the door.

I can't believe it!

If what she said was true, then everything I've been believing was a lie! My dad, the only person I ever trusted, lied to me too!

Tumakbo ako palabas ng bahay at dinama ang malamig na hangin at hindi na ininda ang kulog at malakas na ulan.

'Di bale nang magkasakit ako, ang importante makalayo ako sa kaniya.

Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan. Buong buhay ko, sa ama ko lang ako nakaramdam ng pagmamahal, pero katulad ng iba, mukhang kasinungalingan lahat ng sinabi at ipinakita niya sa akin.

Baka katulad ng iba, hindi niya rin ako minahal.

Tumakbo ako nang tumakbo, huli ko nang namalayan ang bagong likong sasakyan. Niyakap ko ang sarili, handa nang masagasaan; handa nang mamatay.

Hinintay ko ang sakit pero hindi iyon dumating. Hinintay kong matumba ako pero nanatili akong nakatayo.

Imbes na liwanag ang aking makita, isang nakakabinging busina ang aking narinig at ang sumunod ay ang mga pamilyar na boses.

"Shaunelle!" sabay-sabay nilang sigaw.

Tumakbo ang apat na babae palapit sa akin at ako'y kanilang inalo.

"Hala! Umiiyak siya ng dugo!"

"Ang tanga mo, London! May sugat siya kaya ganyan!"

Katulad ko, basa na rin sila dahil sa malakas na ulan.

"Galaxy, saan na ang payong!"

"Maghintay ka Valentina!" sagot ng isa sabay takbo pabalik ng sasakyan.

"Shaunelle, okay ka lang? Anong nangyari sa 'yo?" tanong ng isa.

Inirapan ko siya at hindi sinagot. "Anong ginagawa niyo rito?"

"May house party sa kanila ni London. Susunduin ka sana namin," sagot ni Carla? Carma? Cara?

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinalikuran silang apat.

Kalilipat ko lang ng paaralan at silang apat ay iilan sa mga bago kong kaklase. Hindi kami magkakaibigan ngunit simula noong lumipat ako, hindi nila ako tinantanan sa pangungulit.

May parte sa akin na gustong makipagkaibigan sa kanila ngunit natuto na ako.

Wala akong maaasahan at mapagkakatiwalaan sa mundo. Dahil sa huli, lahat ng tao ay may tinatagong kasakiman; dahil sa huli, katulad ng iba, lolokohin at sasaktan din nila ako.

Letters to My HeartbreakerWhere stories live. Discover now