I don't know if I can fulfill my promise. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dahil sa tingin ko ay ito na ang huli.

"What is happening, Avon? And yes, I'm worried because you didn't say anything. Your dad is also quite and I'm here waiting for you with these thoughts and questions running in my mind since last night."

I can feel the heaviness of my breath as I heard him panicking. Hindi ko naman alam na hindi siya makakatulog ng maayos dahil sa pag-alis ko pero sa totoo lang ay gusto ko ng bumalik.

Nasa kanya pa rin ba ako?

"I'm really sorry, Jordan. Pauwi na rin naman ako kaya makakapag-usap na tayo." ang pag-papakalma ko sa kanya pero wala namang kasiguraduhan kung makakauwi ako dahil sa sitwasyon ko.

May kailangan pa akong tapusin at alam kong patuloy pa rin ang labanan sa labas dahil sa mga nangyayare.

"You still have my ring?" hindi ko na naiwasan ang itanong iyon sa kanya at halos bumaon ang isang kutsilyo sa aking puso ng mapag-tantong malapit na pala akong ikasal.

Ikakasal pala ako kaso sa iba.

"Of course, I still have it. Sa tingin mo ba itatapon ko 'tong singsing mo, mahal kaya kita." ang bigla niyang banat na dahilan para mahina akong matawa. Baka mamaya ay ito na ang huling beses na marinig ko iyan galing sa kanya.

Hindi ko ata magagawa ang pangako ko sa kanya.

"Keep that ring, huwag mong hahayaan na mawala 'yan sa'yo... burara ka pa naman." pag-bibiro ko para naman gumaan ang pinag-uusapan namin. Gusto kong huwag niya na akong alalahanin dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako.

Wala na si Timo pero ang dami pa ring buhay sa grupo namin. Hindi pa tapos ang laban nung makatakas ako at kailangan ko kaagad bumalik sa building na 'yun para mag-masid.

"Syempre pero puwede bang bumalik ka na? Isang araw ka ng wala, sa tingin mo ba kakayanin ko ng ilang araw?" rinig ko ang pananabik sa boses niya na kahit isamg araw palang akong wala ay hinahanap niya na kaagad ko.

Hindi ko tuloy maiwasan ang makonsensya dahil sa wala man lang siyang kaalam-alam sa mga nangyayare pero mas minabuti niyang hintayin ang paliwanag ko kapag nakauwi na ako.

"I-I'm coming home tonight, don't worry."

Maybe I can't come home tonight and maybe this will be the last call for you. 

"Okay. I'll wait for you, don't break your promise, Avon." he reminded, the reason why I bit my lower lip and trying to hold these tears because I know I will break my promise. Maybe this will be the last call and this will be the last time that I will hear his voice.

Fuck, it hurts that I have to pretend that everything is already even though it's not.

"I-I won't, just wait for me." 

Don't wait for me because I can't come home, just keep the ring and live happily.

Ibababa ko na sana ang phone pero narinig ko pang may sinabi ito na dahilan para ibalik ko ang phone sa tapat ng tenga ko. Pinipigilan ko na ang mga luhang umiipon sa aking mga mata dahil ayaw ko na siyang mag-alala, ayos lang kahit wala siyang nagawa dahil ako naman mismo ang nag-layo sa kanya sa kapahamakan na 'to.

"W-What?" 

Narinig ko ang marahan niyang pag-singhap na dahilan para mapalunok ako. Malamig na ang katawan ko simula nung tumawag siya at pakiramdam ko ay pinapatay ako nito dahil paulit-ulit niyang sinasabi na umuwi na ako.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Where stories live. Discover now