Chapter 17

2K 60 8
                                    

Chapter 17: Baby


"Goodbye, ate!" ang pag-papaalam sa akin mi Chez at kumaway na dahilan para kumaway rin ako pabalik na may ngiti sa aking labi. Nasa tapat na ako ng kotse ko at balak na sanang buksan ang pinto pero natigilan ako.

Mabuti nalang talaga at nasa tamang pag-iisip si Chez, naiintindihan niya ang dahilan kung bakit ako umalis sa bahay. Sabagay, nineteen years old na rin naman siya kaya mabilis na rin siyang maka-unawa sa mga nangyayare.

Hinila na siya ni mama na dahilan para kaagad na mawala ang ngiti sa labi ko, makita ko lang si mama ay nararamdaman ko nanaman ang pananakit ng puso ko dahil sa mga sinasabi niya sa akin.

I took a deep breath and opened the door of my car, papasok na sana ako sa loob nito ng biglang may humila sa braso ko.

"What the fuck--"

Ang pag-kairita ko ay biglang naputol ng mapag-tanto ko kung sino ang humila sa akin, halos mag-taray na ako sa taong nasa harapan ko ngayon dahil sa hindi ko makalimutan kung anong kasinungalingan ang sinabi niya sa akin.

Dinamay niya pa ang death anniversary ng kuya niya e' may date pala siya kahapon, mas ayos na ako na sinabi niyang date ang pinuntahan niya kaysa naman sa nag-sinungaling pa siya.

"Let go of me, Tavi." I coldly said and trying to get off his arm but he didn't do it the reason why my jaw clenched. I'm mad and disappointed at the same time because of him lying to me last night.

I was even convinced that he had something to do with his brother's death anniversary but I found out that he had this blind date with someone. Kung hindi pa sinabi ni Tita Selina kanina ay baka mas lalo akong mainis sa ginawa niya.

"Avon, listen to me."

Suminghap ako at tiningnan ang orasan ko, masyado ng gabi at ramdam ko na ang pagod ng katawan ko dahil sa ensayo ko kanina pero ramdam ko rin ang lungkot dahil sa pag-sisinungaling sa akin ni Tavi.

Nakakainis, bakit kasi kailangan niya pang mag-sinungaling?

"I'l give you five minutes to explain." matalim kong sabi na dahilan para kumunot ang noo niya, tinaasan ko ito ng kilay dahil balak niya pa atang umangal sa sinabi kong oras, mabuti nga at binigyan ko pa siya ng pag-kakataon na mag-paliwanag e.

"Totoo yung sinabi ko na death anniversary ni kuya at totoo rin naman na nakipag-blind date ako sa anak ng kaibigan ni mama." pag-amin niya na dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko, sobrang nadismaya na ako sa una.

"Actually, nung isang araw pa yung death anniversary ni kuya--"

"Then why do you have to lie?" ang putol ko sa kanya na dahilan para makita ko ang pag-igting ng panga niya, sa ganitong pag-kakataon ay binabawasan ko na ang biro sa aking isipan dahil tiwala ko nanaman ang nasa sitwasyon na ito.

"I-I have no choice, I know it's not am acceptable reason to say that I had a date that time the reason why I didn't attend the fashion show." mahina akong natawa dahil sa sinabi niyang wala na siyang choice kung hindi ang mag-sinungaling nalang, mas lalo tuloy akong nadismaya at nairita.

"But still you have the chance to tell the truth, Tavi. Ayos lang naman sa akin kung 'yun ang sasabihin mo dahil alam ko naman na hindi mo ako priority, hindi sa akin umiikot ang mundo mo kaya puwede mo namang sabihin yung totoo."

"Are you really mad at me right now?" he suddenly asked with this soft tonw the reason why my lower lip trembled, I saw him being worried because I keep talking on how do I feel.

Umiling ako at binuo ang diwa ko para hindi mahulog sa patibong niya, "Yeah, I'm mad and disappointed at the same time. Alam mo namang hirap akong mag-tiwala e." ngayon ay bumabalik nananaman sa isipan ko ang mga taong nag-sinungaling sa akin na muntikan ng ikasira ng buhay ko.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Where stories live. Discover now