Chapter 06

2.4K 78 6
                                    

Chapter 06: Fall


"Ano pa bang ginagawa mo dito? Hindi mo man lang ba bibisitahin yung pinahamak mo?" mataray na sabi sa akin ni Hera nung kakapasok ko palang ng workshop studio, humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko marahil sa bungad niyang sabi sa akin.

Sinusubukan ko namang puntahan si Cassie, ang kaso ay napapangunahan ako ng takot na dahilan para sa labas lang ako ng kwarto niya sumisilip. Hindi ko man alam ang kondisyon niya pero hinihiling ko na sana gumaling na siya kaagad.

"Ang kapal naman ng mukha ko, sa tingin mo ba mababago mo ang lahat sa pananahimik mo lang?" akmang lalagpasan ko na siya pero halos mainis ako ng bigla niyang higitin ang braso ko ng mahigpit.

Hindi ako nag-sasalita dahil alam kong hindi naman nila ako paniniwalaan, kahit sabihin kong hindi ko sinadya ang nangyare ay ididiin parin nila na ginawa ko iyon kay Cassie para sa sarili kong kapakanan.

Kahit kailan ay hindi ako nakipag-away sa mga kapwa ko modelo at kahit kailan ay wala akong kinainggitan sa kanila, mukhang naging baliktad ata ang isip ni Hera dahil parang noon lang ay sila pa ni Cassie ang mga nangungutya sa ibang mga modelo pero ako naman ngayon ang tinuturo nila.

What did I do wrong on them?

Nananahimik lang ako pero bigla nalang nila akong sinisi, nadulas rin naman ako at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang braso ko dahil sa maling pag-kabagsak pero ni isa sa kanila ay walang nag-tanong sa akin kung ayos lang ba ako.

Ang bilis mag-bago ng tingin ng isang tao kapag nakita nilang nag-kamali, ang bilis ng mga labi nilang mang-husga pero hindi naman nila alam kung anong totoong nangyare. Ang papakinggan lang nila ay yung isang panig pero yung kabila ay hindi, hindi ba parang hindi naman patas 'yun?

"I swear that you will pay because of what happened on Cassie," she fumed and held my arm tightly as if she wants to break it already, I tried to get away on her but she has the strength and all I can do is handle the pain of her nails being buried on my arm.

Fuck, can someone just listen on my side?

"I swear that I will never forgive you, Avon." 

I know that Cassie is still in critical condition but why she's mad like this? She even pointed me and said that I intended to slip so that Cassie will not walk in the runway but that is not true.

Mas lalong bumaon ang kuko niya dahil sa gigil na at hindi ko na maiwasan ang mapa-daing nalang sa sakin, "You're hurting me already, Hera." I pleased the reason why she chuckled like a demotic one.

Matagal niya ng kaibigan si Cassie pero hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang magiging galit niya sa akin, alam kong naging pabaya ako sa lakad ko pero hindi ko naman sinasadya ang mga nangyare.

"P-Please...let go of me," I begged, and I lost the strength to get away on her because of the way she's grabbing my arm. She's raging already, and all I can do is beg for her to let me go.

"Huwag ka ngang mag-paawa para matakasan ang kasalanan mo, Avon. Aminin mo nalang kasi na inggit at sinadya mo 'yun kay Cassie!"

"Hindi ko sinadya ang nangyare!" hindi na kinaya ng sarili ko ang masama niyang bungad sa akin na dahilan para matulak ko na siya at nakita ko ang kaunting pag-atras niya, nanginig ang ibabang labi ko ng makitang mas lalo siyang nagalit dahil sa hindi ako umamin.

Hindi ako aamin na sinadya ko ang nangyare dahil hindi ko naman talaga sinadya, nadulas lang rin ako!

"You attention seeker, you deserve to be suspended!" hindi siya nakuntento sa mga salita niya, nanlaki ang mga mata ko ng nanggigigil itong lumapit sa akin at sinabunutan ako na dahilan para mapadaing ako sa sakit.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Where stories live. Discover now