Chapter 24

1.6K 52 15
                                    

Chapter 24: Broke


"Ate Avon!" sigaw ng isang babae na dahilan para maagaw nito ang atensyon ko, nung mabaling ang tingin ko sa babaeng tumawag ng pangalan ko ay halos malaglag ang panga ko ng makita ang pamilya ko.

Hawak-hawak ni Chez ang isang tarpoline at nandoon ang litrato ko, may nakalagay pa ditong 'you did great!' na dahilan para manginig ang ibabang labi ko.

Panigurado akong siya ang gumawa ng tarpoline dahil sa may pang-aasar pa ito na mga batang pictures ko noon, mukhang nag-kalkal pa siya sa gallery noon para may maasar sa akin.

"Welcome back!" ang sigaw niya at unti-unting tumakbo na dahilan para salubungin ko siya ng isang mahigpit na yakap.

Ramdam ko ang saya aking puso dahil sa ang akala ko walang bubungad sa pag-uwi ko pero nandito ang pamilya ko at sinalubong ang pag-uwi ko.

I felt emotional because all of them are here, my mom and dad stepped forward to get close to us and I can't help but to get teary-eyed because of them being here.

After three months, nakabalik na ako sa Pilipinas at hindi ko inaasahan na sila ang sasalubong sa akin.

"Ang galing mo ate! You made us proud!" iyon lang ang hinihintay kong sabihin ng nanay ko pero hindi naman ako umaasa na sasabihin niya iyon sa akin dahil alam kong hindi niya tanggap ang trabaho ko.

Kahit hindi naman niya tanggap na isang modelo ang anak niya ay masaya naman ako dahil nandito siya, masaya ako dahil sumama siya para salubungin ako sa pag-uwi.

Hindi mawawala ang pag-mamahal ko sa nanay ko, kahit na anong sabihin niya na masasakit sa akin ay hindi ko matatanggal na nanay ko pa rin siya.

Humiwalay si Chez sa yakap na dahilan para maayos akong tumayo sa harapan ng magulang ko, bumaling ang tingin ko sa tatay ko na ngayon ay malaki ang ngiti sa akin.

"Come here, young lady. You did great on the runway." he said while smiling the reason why I stepped forward to hug him tightly, he caressed my back with his gentle touch and I can feel that he's really proud of me.

Did I made you proud?

"Your walk is great, I watched it numerous times and still smiling ear to ear." ang usal niya na dahilan para lumaki lalo ang ngiti sa aking labi, alam mo yung pakiramdam na unti-unti na nilang naiintindihan kung bakit pinili mo yung kasiyahan mo kaysa sa mga binigay lang sa'yo?

"Thank you, dad. I love you," ang suwerte ko sa tatay ko dahil sa imbis na magalit siya sa akin dahil hindi ko pinili ang maging CEO ng kompanya ay naintindihan niyang may sarili akong plano para sa sarili ko.

Humiwalay na ako sa kanya at hindi ko na magawang balingan ng tingin ang nanay ko dahil alam kong wala naman siyang sasabihin, alam kong hindi siya matutuwa dahil sa tingin niya ay nag-sasayang lang ako ng oras sa pag-momodelo.

"Let's go," matipid kong sabi habang naka-ngiti pero kumunot ang noo ko ng pandilatan ako ng mata ni Chez at sinenyasan na tingnan ko si mama.

Because of that, I awkwardly looked at my mom and I saw her deeply stared at me. I gulped and I felt pain all of a sudden because I can see the disappointment on her eyes.

Kahit wala pa siyang sinasabi ay ramdam kong hindi niya pa rin naiintindihan ang pinili ko, umaasa pa rin naman ako pero hindi ko na alam ngayon.

Kahit wala pa siyang sinasabi ay sapat na ang tingin niya para masaktan ako, noong kumalat ang larawan ko ay kailangan ko ng mahahawakan pero mas pinili niyang sisihin ako sa nangyare.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon