Dumiretso na nga kami sa opisina at ramdam ko kaagad ang malamig na awra ng babaeng inakala ko ay nanay ko. Unti-unti siyang umupo sa sofa na dahilan para sundan ko lang siya. Ramdam ko ang kaba sa aking puso pero alam kong kailangan kong harapin kung ano ba talaga ang nangyare noon.

"S-Saan mo gustong mag-simula?" nautal siya saglit at nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako na kaya niya palang maging mabait kahit na malaki ang kasalanan ko sa kanya, kung ano ang ginawa ng tatay ko ay ganon rin ang kasalanan ko sa kanya.

"D-Do you know where is my mother?" unang tanong palang ang sinabi ko pero nakita ko na ang pag-iwas niya ng tingin, marahan itong napa-singhap dahil kaibigan niya ang pinag-uusapan namin at wala akong kaalam-alam kung sino ba ito.

Do I look like her? Pain, that's what I'm feeling right now.

"Why do you want to know where your mother is?" she's not even looking at me, and she's trying to be firm despite the conversation. I'm thankful that she gave me a chance to know who really I am, but I want to know where my mother is.

"Because I feel something is missing from me...parang hindi ako buo dahil sa wala akong maalala," nanginginig na ang katawan ko sa tuwing sarili ko na ang pinag-uusapan dahil maging ang sarili ko ay hindi ko kilala. Para akong nakikipag-habulin sa nakaraan ko na parang noon ay pilit kong tinatakasan.

"B-Bakit niyo ba ayaw ipaalala sa akin ni daddy ang nakaraan ko? Bakit niyo pina-inom sa akin ang mga gamot na dahilan para hindi ako maka-alala?" binalikan ko naman siya ng tanong dahil simula nung nalaman kong ang gamot na iyon ang dahilan para hindi ako maka-alala ng apat na taon ay nakaramdam ako ng galit pero kinimkim ko lang dahil baka may rason naman sila.

"Ang daddy mo ang nag-desisyon na ipainom sa'yo ang mga gamot na 'yun, ayaw niyang maka-alaala ka dahil sa ayaw ka niyang masaktan." nasa isang direksyon lang ang tingin niya at doon ko nakita ang naka-sabit nilang wedding picture ng tatay ko na may basag pa rin.

She put it back in its original place, but I can still see the crack in the picture of the two of them. Could it be that my dad gave me those drugs because he knew something was going to happen or because I was going to be hurt by what really happened then?

Tangina, para akong nakikipag-hulaan sa kanilang lahat at patuloy nila akong pinag-lalaruan. Anong karapatan nila para ipagkait sa akin ang nakaraan ko? May ginawa ba akong mali na dahilan para mag-desisyon sila na gawin iyon sa akin?

Tumayo siya at may kinuha bigla sa isang cabinet na dahilan para kumunot ang noo ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyare noon na pilit kong tinatakasan, kung noon ay wala akong pakielam pero ngayon na nakaka-alala na ako ay parang naging desperado ako.

Nilabas niya ang isang papel na sa tingin ko ay isang dyaryo at nag-tama ang tingin namin na dahilan para makita ko ang panlalamig ng kanyang mga mata sa akin. Bakit dyaryo ang nilabas niya?

"W-What is that?" my lower lip trembled as I saw the news paper. I felt fear in my body because I knew she had released that paper as proof of whatever had happened before.

She hand-over the paper to me with her cold stare, and I was hesitating to take it because I'm scared right now to know the truth. Can I handle what happened the last four years ago? Can I accept who really am I.

"Basahin mo kung gusto mong malaman ang totoong nangyare sa'yo at sa nanay mo." kahit hindi ko pa nababasa ang dyaryong inabot niya sa akin ay hindi ko na maiwasan na mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Ganito ba kabigat ang nangyare sa akin noon?

"Basahin mo 'yan at sasabihin ko pa ang nalalaman ko." walang emosyon ang kanyang boses na dahilan para mas lalo akong masaktan. Hawak-hawak ko na ang isang ebidensya kung ano ba talaga ang nangyare sa akin noon, sa pag-mulat ko ay nakita ko nalang ang sarili ko na naka-higa at nasa ospital.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Where stories live. Discover now