Ikatatlumpu't Walo

336 44 3
                                    

"KAILANGANG mapatay ko na ang Panginoon ng mga itim na lobo," wika ni Lycan sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ito na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya.

Si Elfidio naman, nararamdaman pa rin niya ang lakas na dumadaloy sa binatang nakatayo sa kanyang harapan. Alam niyang hindi niya ito matatalo kung makikipagbuno siya rito.

Masyado raw siyang naging kampante sapagkat hindi niya inalam kung patay na nga ba talaga ang Itinakda nang ipapatay niya ito noon. Pero, hindi naman siya isang simpleng itim na lobong handang magpapatay lamang rito.

Nasa kanya ang kapangyarihan at nasa kanya rin ang lakas na mga makabagong sandata.

"Aminado akong hindi ko talaga matutumbasan ang lakas mo batang Itinakda...pero..." sabi ni Elfidio at magkakasunod na pagsabog ang yumanig at nagpailaw sa kabundukan ng Halcon.

Nagmula iyon mula sa pamayanang sinira ng mga ito, sa pamayanan ng mga Mangyan.

Napatingin nga roon si Lycan habang si Elfidio naman ay pasimpleng inamoy ang paligid. Hinanap niya gamit ang kanyang matalas na pang-amoy ang hinahanap niyang buto ng kanilang mga ninuno.

Napangisi ang Panginoon ng lobo sa naging reaksyon ni Lycan. Nakatingin ito sa nagliliwanag na kagubatan.

Nasusunog ang kagubatang pumapalibot sa pamayanang kanilang kinagisnan.

Nasa pamayanan nina Lantaw ang kanyang buhay at sa kagubatang nakapalibot dito-- ito ang saksi sa kanyang mga pagsasanay. Ito ang saksi sa bawat paglalakbay niya sa Halcon.

Kumakayap ang apoy at tila hindi ito mapipigilan ng kahit ano.

"Pagmasdan mo Itinakda! Ang kagubatang pinoprotektahan ninyo! Ang Halcon!"

"Sisirain din ito ng mga mortal kaya uunahan ko na sila!"

Ito ang isa sa mga plano ni Elfidio, ang gamitin ang Halcon. Alam niyang ang tungkulin ng mga pulang-lobo ay ang pangalagaan ang kabundukang ito. Kaya nga sa oras na sirain niya ito... Siguradong malaki ang tsansa na maging kahinaan din ito ng mga ito-- ng Itinakda!

"Masyado ninyong minamahal ang walang kwentang kabundukang ito," wika ni Elfidio sa sarili na biglang lumiit at nagsa-anyong mortal. Pagkatapos noon ay pumasok na ito sa libingan ng kanilang mga ninuno upang kuhanin at kainin ang hinahanap nito.

Si Lycan... Seryosong pinagmamasdan ang apoy.

Sa gitna ng apoy na iyon, naroon sina Lantaw na kasalukuyang napapaligiran na muli ng malaking bilang ng mga itim na lobo.

"A-ano ang ginagawa ninyo sa Halcon!?" Ito na lamang ang nasambit ni Lantaw habang pinagmamasdan ang kagubatang dati'y kay yabong ngunit ngayon ay nasusunog na dahil sa mga pagpapasabog na ginawa ng mga kalaban.

"Mga wala kayong konsensya! Maging ang walang kamalay-malay na kabundukan ay idinadamay ninyo!" Mariing winika naman ni Leon na nakaramdam pa lalo ng inis sa mga kalaban.

Ang Halcon ay ang kanilang tahanan.

Hindi sila bulag sa reyalidad na marami na sa bahagi ng Halcon ang nasisira at sinisira. Pero hindi sila tumitigil para alagaan ito.

Sa bawat putol na punong nakikita nila mula sa kung saan ay siya namang pagtatanim nila ng mga panibagong puno rito. Kahit sinisira ng mga mortal ang kalikasan lalo na ang Halcon, nananatili pa rin ang mga pulang lobo rito upang alagaan at ibalik ito sa dati.

Kaso... Iba na sa pagkakataong ito.

Umalulong ang mga pulang lobo kasabay noon ang pagsugod nila sa mas maraming mga kalaban.

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now