Ikapito

623 72 7
                                    

NAKARAMDAM si Lycan ng galit. Gusto na niyang sugurin ang lalaki, subalit isang boses ang biglang nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Huwag mong ituloy ang binabalak mo..."

Agad na napatingin ang binata. Tumambad sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng isang disenteng pang-alis na kasuotan at nakasuot ng shades.

"Hindi makakabuti sa iyo kung gagawin mo iyan..."

"Sino ka?" tanong naman ng binata.

"Ako si Koga," wika ng lalaking nasa edad na kuwarenta. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na salamin sa mata at nginitian ang binatang isang mata lamang ang bukas.

"Alam kong hindi ka isang normal na tao... isa kang taong-lobo."

Nagulat si Lycan sa kanyang narinig.

"P-paanong?"

Ngumiti ang lalaki.

"Sumama ka sa akin. Hindi mo pa yata kabisado ang lugar na ito," alok ng lalaki at walang pagtanggi namang sumama si Lycan sa lalaking iyon.

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now