Ikalawa

1.3K 82 10
                                    

SA gitna ng kadiliman sa kagubatan ng Halcon sa gawing silangan, isang ingay ng makina ang kasalukuyang umaalingawngaw. Kasabay noon ay ang pagtumba ng mga naglalakihang puno roon. Ito ay ang mga iligal na namumutol ng kahoy. Ginagawa nila ito kung kailan ang marami ay nasa estado ng pagtulog. Sila ang isa sa mga dahilan kaya nakakalbo ang bundok. Sa totoo rin lang, isa sa mga protektor nila ay ang mga namumuno sa probinsya ng Mindoro. Dahilan iyon para ipagpatuloy nila ang ginagawa nilang iyon.

"Sige! Putulin pa ninyo ang mga malalaking puno na iyan. Malaki ang kikitain natin diyan," utos ng lalaking nagsisilbing pinuno ng mga namumutol gamit ang mga malalaking makinaryang may bakal na gulong. Sa likod din ng lalaking ito ay may nasa sampung mga armadong lalaki. Mga sundalo!

Kabilugan ng buwan iyon. Tulad ng palagi nilang ginagawa tuwing ikatatlong linggo ng buwan. Ngunit may kakaiba nang mga oras na iyon. Umalingawngaw ang isang malakas na alulong ng isang hayop. Tila kinabahan ang mga namumutol doon.

"Mga putangina! Ipagpatuloy ang ninyo iyan. Para kayong mga bakla."

Hanggang sa isang malakas na kaluskos ang narinig nila sa itaas ng isang malaking puno na kanila na sanang puputulin. Nagmumula iyon sa likuran ng mayabong nitong dahon.

"B-Boss... a-ano iyon?" tanong ng isa sa nagmamaneho ng makina. Parang gusto na nitong bumaba dahil sa takot.

"Lintek! Ba't ba kayo natatakot? Paniki lang iyan."

"Mga sundalo, pagbabarilin nga ninyo!" utos pa nito.

Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng matataas na kalibre ng armas sa loob ng gubat. Maraming hayop ang nabulabog, ngunit, isang malakas na ihip ng hangin ang umihip sa lugar na iyon. Kasabay noon ay ang paglitaw ng isang kakaibang nilalang sa harap nila.

"Magsialis na kayo rito sa gubat! Dahil kung hindi... papatayin ko kayong lahat!"

Nagliwanag ang kaliwang mata nito. Kasabay noon ay ang pagdaloy ng isang imbisibol na aura sa buong paligid. Kasunod noon ay ang pagkaramdam ng takot ng mga namumutol ng kahoy at ng mga sundalo. Nagtayuan ang balahibo nila, dahilan para magsitakbuhan sila palayo.

"Ikaw! Hindi ka pa ba aalis?" Itinaas ng lalaki ang kamay nitong may matatalas na kuko.

"A-a-a...aalis na po..." Tumakbo na rin dahil sa takot ang nagsisilbing lider ng mga magtotroso.

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now