Ikalabing-walo

497 60 3
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Lovelle habang kumakain ng fries. Naiilang siya sa kasamang si Lycan. Mabuti na lamang at umalis na ang kanyang kaibigan. Mabuti na lamang at hindi na sila sumama sa kanilang dalawa.

Kasalukuyang nasa loob ng Jollibee ang dalawa. Kumakain sila dahil nakaramdam ng gutom si Lovelle. Si Lycan, ganadong-ganado na kinain ang burger at mabilis na ininom ang softdrinks pagkatapos. Dumighay pa ito kaya mas lalong nainis si Lovelle.

"Iwww. Hindi ko na ito kaya..." Pasimple niyang inirapan si Lycan nang magkatinginan sila.

"Saan pa tayo pupunta matapos natin dito?" Tanong ni Lycan.

Si Lovelle ay muling napairap. Syempre, gusto na niyang umuwi dahil ayaw niyang makasama ang isang ito. Nakakahiya. Nahihiya siya dahil baka may makakita sa kanya na may ganitong lalaki siyang kasama.

"Uuwi na tayo... nakapamili na ako e," tugon na lang ng dalaga na agad nang inubos ang kinakain. Tutal, malapit lang naman ang subdivision, maglalakad na lang sila.

Doon ay naalala niya na sinabi ng kanyang papa na ipasyal ang binata, pero, alam naman niyang wala na ang ama sa kanila kaya mas mabuti pa na umuwi na lang sila.

"Tara na! Dalhin mo iyong mga pinapili ko," sabi pa ni Lovelle na tumayo na. Si Lycan naman ay sumunod na lamang at kinuha ang plastic na may lamang gamit.

Habang pababa sila ng hagdan ay may isang matandang babae ang umaakyat. May dala itong tray na may nakapatong na pagkain. Halata rito na nahihirapan sa paghakbang dahil na rin siguro sa edad. Naawa kaagad si Lovelle. Kaya napagdesisyunan niyang kuhanin ang dala ng lola at tulungan ito. Subalit bago pa man iyon ay may nauna na sa kanya.

"Ako na po lola ang magdadala niyan. Saan po ba ang inyong pwesto?" Alok ni Lycan na isinukbit sa balikat ang dalang plastic at nakangiting kinuha ang tray na dala ng matanda.

Napangiti ang lola at agad nagpasalamat. Doon ay inihatid ni Lycan ang matanda papunta sa mesa nito kung saan ay masaya at nagagalak na naghihintay ang apo nitong nasa edad na lima yata.

"Yeheyyy! Lola! Paborito ko po iyang chicken joy!"

Inilapag ni Lycan ang tray at ngumiti sa matanda.

"Maraming salamat sa iyo iho," wika ng matanda.

"Wala po iyon," wika naman ni Lycan. Nakangiti ito na ikinabigla ni Lovelle.

Hindi niya akalain na marunong pala noon ang binata. At isa pa, walang pag-aalinlangan nitong tinulungan ang matanda kahit may dala ito.

"Tara na, taga-patag..."

Bumalik ang inis ni Lovelle nang marinig uli iyon mula kay Lycan. Dahil doon ay napakurot ito sa braso ng binata.

"Ako si Lovelle. Hindi taga-patag."

Pasimpleng lumingon si Lycan sa dalaga habang bumababa sila.

"Maraming salamat Lovelle. Masaya ako sa mga pinuntahan natin ngayon."

Nabigla si Lovelle nang marinig iyon. Tinawag siya ng lalaking wirdo sa paningin niya sa kanyang pangalan. At ang mga salitang iyon ay tila naging isang musika nang hindi niya maipaliwanag.

"Nevermind..." Umirap na lamang si Lovelle at agad bumaba. Pagkalabas nila ng Jollibee ay sumeryoso na uli ang itsura ni Lycan. Doon ay nilakad nila paakyat ang subdibisyon.

Inilapag ni Lycan ang dala sa ibabaw ng sopa. Balak na sana niyang magbihis, pero, bigla siyang tinawag ni Lovelle na kasalukuyang nasa terasa ng bahay.

"Tara, samahan mo ako. Ipapasyal kita. Nakakahiya naman kay Papa kung hindi." Napabuntong-hininga na lamang si Lycan at pagkatapos ay sabay uli silang bumaba ng subdibisyon para pumunta sa kung saan.

7-5-19

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now