Ika-labingdalawa

592 69 5
                                    

KINAGABIHAN, kasalukuyang nakahiga si Lycan sa ibabaw ng bubungan ng bahay ni Koga. Suot na nito ang kasuotang masasabing malinis sa paningin ng sinuman. Seryoso siyang nakatitig sa kalangitan. Pinagmamasdan niya ang kalahating hugis ng buwan sa langit. Pagkatapos noon ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. May sandaling bumalik sa kanyang gunita matapos iyon. Sinundan na nga rin niya ito ng pagtulog. Ngunit sa ganoong estado ay napanatili ni Lycan na gising ang kanyang diwa.

Sa loob naman ng bahay, kasalukuyang kumakain ang mag-ina ni Koga. Nakahain sa mesa nila ang isang bandehadong kanin at sa tabi nito'y isang mangkok ng gulay na pakbet. Sa gilid ay naroon din ang isang bubog na pitsel na may lamang malamig na tubig.

Si Sonia ang asawa ni Koga. Isang purong-tao ito. Ito rin ang ale na iniligtas ni Lycan sa Poblacion. Si Lovelle naman ang nag-iisa nilang anak. Labing-walong gulang na ito at kasalukuyang nag-aaral sa DWCC sa kursong HRM. Dumadaloy sa ugat nito ang dugo ng pagiging taong-lobo ni Koga. Ngunit hindi ito puro dahil nahaluan ito ng dugo ng isang mortal.

Tuwing bilog ang buwan, lumalabas ang kakayahang lobo ng dalaga. Lumilitaw ang matang-lobo nito at sumisilay ang matatalas na pangil. Ang abilidad na kumilos at tumakbo nang higit na mabilis sa normal ang nakuha ng dalaga. Ngunit nanatiling tipikal naman na lakas ng isang normal na tao ang kaya nito. Iyon ay dahil hati sa dalawang lahi ang pinagmulan nito.

"K-kung gano'n papa... I-isang lobo ang la-laking iyon?" tanong ni Lovelle matapos marinig ang kwento ng amang si Koga.

"Kaya pala, iba ang pakiramdam ko sa kanya kanina," dagdag naman ni Sonia matapos uminom ng tubig.

"Si Lycan ang sinasabi sa sinaunang kasulatan..."

"Siya ang bukod-tanging makakapatay sa panginoon ng mga itim na lobo!" seryosong winika ni Koga na ikinabigla ng mag-ina niya.

10-31-18

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now