Ikatatlumpu't Apat

328 45 3
                                    

NAALALA ni Elfidio, ang gobernador, ang Panginoon ng mga itim na lobo ang sandaling umuwi ang kanyang anak na si Chase na sugatan. Hindi siya makapaniwalang makikita niyang ganoon ang kanyang anak ganoong alam niyang malakas ito.

"Ano'ng nangyari sa iyo Chase?" Tanong niya sa anak. Kahit na nakikita niya ang paglabas ng masaganang dugo mula sa katawan ng kanyang anak, nananatili pa rin siyang kalmado nang mga oras na iyon.

"P-papa. I encountered a strong red wolf. I thought he was not that strong... But..."

Doon na ikinwento ni Chase ang nangyari sa kanya. Bahagyang nagulat ang ama nito.

"Isang matang-lobo." Sambit ni Elfidio.

Pagkatapos noon ay tumungo ito sa kanyang silid. Mabilis na binuksan ni Elfidio ang kanyang lalagyanan at kinuha ang isang hindi kalakihan at medyo lumang ataul na gawa sa kahoy.

Isang lumang libro ang nakalagay sa loob noon.

Seryoso niyang kinuha ito at binuklat iyon pagkatapos. Naalala niya, napakatagal na ng panahon nang huli niya itong tignan.

Sa pagbukas niya sa pahina, makikitang blangko iyon subalit sa patuloy niyang pagbuklat... Biglang nagliwanag iyon at ang mga salita ay unti-unting lumabas doon.

"Papatayin ng Itinakda ang Panginoon ng Itim na Lobo sa pagdidilim ng buwan."

Matagal na nang huli niyang buklatin ang libro ng propesiya ng mga lobo. Aminado siyang masyado siyang naging kampante noon kaya hindi niya nasiguradong napapapatay niya ito... Ngunit ito na ang panahong hindi na siya dapat pang matakot.

Sumilay ang nakakatakot na pagngisi mula sa gobernador nang muli niyang sarhan ang libro. Nakakaramdam pa rin siya ng kaba sa isinaad ng libro, subalit kampante pa rin siya na kaya niya itong pigilan.

"Isang bagay ang natutunan ko nang mapunta ako sa kapangyarihan at posisyon..."

"Na kayang baguhin ng teknolohiya ang kahit anong mito o alamat na pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao at mga lobo."

NANG mapabagsak ni Lycan ang mga itim na lobong kasama ni Elfidio... Siya namang pagkalabit sa matataas na kalibre ng baril ng mga nakakubling itim na lobo sa paligid.

Inasinta nilang lahat ang binata. Kasabay ng pagratrat ng mga armas ay ang pagngisi ng dambuhalang lobo na nakatayo sa likuran ni Lycan.

"Ikaw nga ang Itinakda... At alam kong malakas ka... Pero."

"Hindi ka makakaligtas sa bala ng mga armas na dala ko."

"Saksihan ninyong lahat ang makabagong sandatang dala namin para sa inyong kinikilalang tagapagligtas!"

9-28-20

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now