Ikasampu

643 69 9
                                    

TINGING-TINGIN si Lycan nang mapasok ang bahay ni Koga. Yari sa bato at napipinturahan ng puti. May mga aplayanses din na noon lang niya nakita. Hinipo-hipo niya ang lahat ng bagay at inamoy-amoy pa.

Nagtiwala na nga kaagad ang binata sa matanda nang simula pa. Iyon ay dahil sa amoy. Naaamoy niya ang amoy na tulad ng sa kanya. Ang amoy ng isang pulang-lobo.

"Palitan mo na ang suot mong damit... heto ang banyo, paliguan mo ang iyong sarili," wika ni Koga matapos nitong lumabas mula sa silid nito na nasa tabi lang ng banyo. Dala nito ang malinis ns damit at sabon na tila nakalaan talaga para sa binata.

"Ito ang inyong liguan dito sa patag?" tanong ni Lycan habang sinisilip-silip ang loob. Inamoy-amoy pa nito ang loob at pumasok.

"Oo. Ituturo ko sa iyo ang paraan ng paggamit." Doon ay itinuro ng lalaki ang paraan ng paggamit ng gripo, ng shower kung tawagin. Ganoon din ng inidoro at ng iba pang bagay na may kinalaman sa banyo kay Lycan.

Nang buksan ni Lycan ang gripo ay napaatras pa nga ito. Nagulat. Pero mabilis itong uminom. Tila uhaw na uhaw ang binata.

"Tuyot na ang aking lalamunan... pero tila hindi tunay na malinis ang tubig na mula rito," wika ng binata na nilaro-laro pa ang malakas na paglabas ng tubig. Nabasa na nga rin ang kasuotan nito. Napangiti na lang naman ang matanda dahil doon.

"Sige na Lycan, linisan mo na ang iyong katawan. Alisin mo na ang iyong damit," wika ni Koga at mabilis namang sinunod iyon ng binata.

Tumambad sa matanda ang medyo masel-an na pangangatawan ni Lycan. May pahabang tatlong pilat din ito sa dibdib. Nang mga sandaling iyon ay hindi nila namalayan na may pumasok na pala sa loob ng bahay. Ang anak ni Koga.

Umalis si Koga sa tapat ng pinto ng banyo na hindi man lang ito nasasarhan. Lumalagaslas ang malakas na tubig roon habang pinaliliguan ni Lycan ang walang saplot nitong katawan.

"OMG!" Nabitawan ng anak ni Koga ang dala nitong bag dahil sa nakita. Doon ay napatili ito. Nabigla doon ang matanda at napatingin sa banyo. Madali niya itong sinarhan at napangiti nang hindi mawari.

"N-na...narito ka na pala Lovelle anak..."

10-21-18

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now