Ikatatlumpu't Anim

353 47 6
                                    

PAMBIHIRANG abilidad ang ipinakita ni Lycan sa harapan ng pinakamalakas na itim na lobo. Nasaksihan din ito ng mga kalaban at ang mga ito ay bahagyang nakaramdam ng kabang kaharapin ito.

Sina Lantaw, hindi naman maiwasang mamangha sa ipinakitang iyon ng Itinakda. Kagaya ng nakasaad sa propesiya... Walang tutumbas sa lakas nito sa ilalim ng maliwanag o madilim na buwan.

Ang Panginoon ng mga itim na lobong si Elfidio ay bahagyang napaatras. Isang bagay lang ang nasa isip niya upang hindi siya mapatay ng Itinakda. Mabilis niyang pinagana ang kanyang pang-amoy at nang maamoy niya ang kanyang hinahanap ay mabilis niya itong tiningnan. Sa direskyong pinagmumulan ng amoy ay mabilis niyang hinarapan iyon. Umalulong siya nang napakalakas na nagpayanig sa buong kapaligiran. May sinabi siya sa mga kalahi niyang sila lang ang nakakaintindi.

"Ituloy ninyo ang plano."

Yumanig ang buong paligid nang biglang tumalon palayo ang malaking itim na lobo. Kumaripas ito ng pagtakbo. Napakabilis nito at ang mga mata nito ay nagliliwanag habang nakatingin sa direksyon kanyang gustong marating.

Naalerto si Lantaw nang mapansing papunta ito sa direksyon ng kanilang mga sagradong lupain-- ang libingan ng kanilang mga ninuno.

"Lycan! Kailangan mong pigilan si Elfidio. Balak niyang kainin ang mga labi ng ating mga ninuno. Sa oras na mangyari iyon... Makakamit niya ang imortalidad na kanyang inaasam!" Bulalas ni Lantaw na nag-anyo ng lobo. Isang may kalakihang lobo ito na may kaunting puting balahibo sa likod nito. Ganoon din ang mga kasama nitong miyembro ng Pangil. Ang mga Mangyan sa paligid ay nagsa-anyo na rin ng lobo. Sa pag-alis ng pinuno ng kanilang mga kalaban, ay tila nagkalakas ng loob ang mga ito na labanan ang pwersa nito.

"Kami na ang bahala rito Lycan! Gawin mo ang tungkulin mo bilang Itinakda! Sige na!" Malakas na sabi ni Lantaw ang isang pulutong ng mga itim na lobo ang biglang nagsidambahan papasok na nagmula sa kadiliman ng kagubatan.

Umalulong ang dalawang magkalabang panig. Pagkatapos noon... Nagsitakbuhan palapit sa isa't isa ang mga ito.

Maraming dugo ang tumalsik at ang mga kuko't pangil nila ay nabahiran din nito. Matira ang matibay! Mamamatay ang mamamatay!

"Nasa sa iyo Lycan ang ikakatagumpay ng lahi ng mga pulang lobo!" Sambit ni Koga at mabilis nitong nilapa ang isa sa mga kalaban gamit ang lakas nito.

Naglaho si Lycan at kasabay noon ay ang pag-alpas ng napakalakas na hangin.

Mabilis ang Panginoon ng itim na lobo ngunit nakakahabol na si Lycan dito.

Sa sandaling maabutan na ni Lycan ang kalaban ay siya namang pagtama sa kanya ng isang napakalakas na pagsabog. Mula sa itaas ng isang puno sa hindi kalayuan... Naroon ang isa pang malakas na kasamahan ni Elfidio na kasalukuyang may hawak na bazooka.

Umuusok pa ang butas nito habang nakangising pinagmamasdan ang lobong tinamaan ng kanyang sandata. Nababalot na ng itim na balahibo ang katawan nito at ang mga matang-lobo nito ay nagliliwanag sa gitna ng kadiliman ng kagubatan.

9-29-20

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon