Ikadalawampu't Walo

315 50 2
                                    

DUMANAK ang dugo sa pagitan ng maagang engkwentrong naganap sa lahi ng pula at itim na lobo. May mga buhay na ang nawala nang magsimula iyon. Hindi ito mapipigilan sapagkat ito ay inaasahan nang magaganap.

Nakita ni Koga ang pagkamatay ng isa na naman sa Pangil. Pagkakita niya noon ay mabilis niyang pinaslang ang nasa tatlong itim na lobong inatake siya pagkatapos noon, kumawala ang malakas na hangin sa kanyang kinatatayuan. Bigla siyang naglaho at biglang lumitaw sa harapan ng Taga-paslang na itim na lobo.

Si Rafael ay ang itim na lobong pumapatay ng pulang lobo tuwing sumasapit ang dilim sa siyudad.

May mga umagang nagigising ang mga tao na may mga balitang kakalat sa buong siyudad tungkol sa isang taong pinaslang. Madalas ay sinasabing ito ay may kinalaman sa droga. May pagkakataon ding ito'y sinasabing isang kasong madali nilang malulutas dahil ito'y kontrolado. Sa bawat balitang maiipaskil at maiipalabas sa buong probinsya-- nakatago sa likod nito ang katotohanang ito ay ipinantakip sa totoong nangyari.

Kontrolado ng mga itim na lobo ang kapangyarihan sa loob ng siyudad at lalo na sa probinsya.

Binigyan ni Koga ng isang napakalakas na suntok si Rafael. Tumama iyon sa bisig ng itim na lobong sa pagtitiwalang kaya nito iyong depensahan gamit ang parte niyang 'yon.

Ngunit naramdaman ni Rafael ang pagkapunit at pagkaputol ng kanyang buto matapos iyon.

Isang napakalakas na hangin ang kumawala sa kanilang kinatatayuan.

Napangisi si Rafael.

"M-malakas ka nga Koga..." Sambit nito na hindi na napigilan ang sarili na tumalsik palayo. Bumangga ang katawan nito sa isang malaking puno at bumagsak sa lupa na nagdurugo ang bibig.

Nagliliwanag ang mga matang-lobo ni Koga. Hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang lahat ng itim na lobo. Malaki na ang naging sakripisyo niya. Hindi na siya dapat magpumilit na magmukhang kalmado.

Napakarami nang taon ang lumipas ngunit bumabalik sa alaala niya ang ginawa niyang pagsasakripisyo sa walang kamuwang-muwang niyang anak na kakasilang pa lamang. Ipinakita niya sa kanilang lahi na wala lang iyon at parte iyon ng kanyang tungkulin.

Ngunit hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili sa pagsisimula ng hinihintay niyang huling digmaan ng mga lahi ng lobo.

Isang pagngisi ang sumilay sa labi ni Rafael na sinusubukang tumayo. Iyon na rin ang huling hininga na magagawa nito.

Tumalsik ang masaganang dugo ng itim na lobo sa pagpasok ng matatalas na mga kuko ni Koga sa mukha nito. Binutas ni Koga ang bungo ng taga-paslang ng kalabang lahi at doon ay sumilay ang totoong imahe nito na matagal na niyang itinatago.

"Sa oras na mapatay mo ang Panginoon ng itim na lobo... Ikaw naman ang papaslangin ko... Lycan."

Kapalit ng buhay ng kanyang anak. Babawiin niya ito sa pamamagitan ng buhay na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ang totoong lakas ni Koga ay nakatago pa rin. Hindi siya basta-basta mapapatay ni Chase. Alam niya iyon... Pero alam din niyang ililigtas siya ni Lycan nang mga oras na iyon.

Ang huling digmaang ito ay ang siya ring magtatanggal sa maskara ni Koga at maglalabas sa tunay na katauhan nito.



9-25-20

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now