Ikatatlumpu't Isa

314 49 3
                                    

TUMALSIK ang katawan ni Lycan nang sabay siyang atakehin ng dalawang malalaking itim na lobo. Kung normal na tao siya ay siguradong kanina pa siyang binawian ng buhay.

"Ano batang lobo? Tila yata... Nahihirapan ka na?" Nakangising winika ng mas malaking kalaban habang dinidilaan ang kuko nitong nababahiran ng masaganang dugo ng binata.

Ang isa namang kasama nito'y naglakad palapit sa nakahandusay na si Lycan. Gamit ang isa nitong kamay, madali lang nitong kinuha si Lycan na tila isang napakagaang bagay.

Hinawakan nito sa ulo si Lycan at nakita nila ang duguan ng mukha nito.

"Kawawang bata... Matibay ka dahil nakatagal ka sa ginawa namin. Kung ibang pulang lobo ka, baka kanina ka pang patay," nakangising wika ng itim na lobong may hawak kay Lycan.

Pinipilit naman ni Lycan na labanan ang sakit na nararamdaman niya sa buo niyang katawan. Malaki ang pinsalang natamo niya kaya nahihirapan siyang kumilos.

"Pagkatapos ka naming patayin... Hahanapin na namin ang pinagkukutaan ng mga kasamahan mong Mangyan..."

"At pagkatapos, isa-isa namin silang papatayin mamayang gabi... Sa pagsapit ng madilim na buwan."

Tumawa at umalulong ang dalawang itim na lobo.

Nagdilim naman ang paningin ni Lycan nang marinig niya iyon. Bumalik sa alaala niya ang mga panahong naroon siya at inaalagaan nina Lantaw... Ng mga Mangyan.

Bihira siyang makikitaan ng emosyon, ngunit kapag kasama niya ang mga Mangyan na nag-alaga sa kanya. Dito lumalabas ang masayahin at ngumingiting imahe ni Lycan.

Ang mga ito ang kanyang pamilya.

Ang mga ito ang nagturo sa kanya.

Ang mga Mangyan ang kasama niya sa pangangalaga ng Halcon.

Napakuyom ng kamao si Lycan habang naririnig ang pag-alulong ng dalawang kalabang bumugbog sa kanya.

Mula sa katawan ni Lycan. Isang madilim at nakakapangilabot na presensya ang biglang kumawala mula sa duguan nitong sarili.

Nabalot siya ng itim na aura at ang mga sugat niya... Bigla itong naghilom.

Nang maisip niyang may kailangan siyang protektahan-- dito na lumabas ang isa pa niyang abilidad. Isa siyang kalahating pulang lobo at kalahating itim na lobo.

Dumadaloy rin sa dugo niya ang lahi na kanilang nais patayin.

Napabitaw ang itim na lobong humahawak sa kanya nang maramdaman ang napakalakas at nakakatakot na presensyang iyon.

"I-imposible..." Sambit ng dalawang itim na lobo. Ang pakiramdam na nararamdaman nila... Kagaya ito ng takot na nararamdaman nila kapag kaharap nila ang kanilang Panginoon.

Aatras pa lamang ang mga ito ngunit sa paggalaw pa lang ng kanilang mga paa-- biglang natagpas ang kanilang mga ulo. Nalaglag ito sa ibaba at ang masaganang dugo nila ay bumulwak mula roon.

Nagliliwanag ang pulang mata ni Lycan. Nababalot din ng itim na balahibo ang kaliwang braso nito.

Nababalot ng itim na aura ang katawan nito nang mga sandaling iyon.

Pinasok niya ang kagubatan na tila wala lang. Sinundan siya ng mga bakas ng dugong tumulo sa lupa na nagmumula sa kanyang matatalas na kuko. Mga dugo iyon ng pinaslang niyang dalawang itim na lobo.

"Para iyan sa pagnanais ninyong patayin ang mga Mangyan... Kasama na ang pagputol ninyo sa mga punong nasa paligid natin..."

9-26-20

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now