6 - Wangle

4.7K 51 28
                                    


LUANA: Neknek mo. Ba't ako pupunta dun?

LANDER: Para nga malagyan natin ng songs yan. Ano bang mga favorite mo? Sabihin mo lang ida-download ko para sayo.

LUANA: Wag na. At wag ka na ring umasa na pupunta ako sa bahay mo.

LANDER: Bakit naman?

LUANA: Baka mamaya kung ano pang sabihin ng mga kapitbahay. Baka matsismis pa ko.

LANDER: Ba't mo ba kasi iniisip yong sasabihin ng mga tao kung alam mo naman na wala kang ginagawang masama?

LUANA: A basta, ayoko.

LANDER: E ba't ako, di naman ako natsitsismis kahit halos araw-araw ako dito sa inyo a.

LUANA: Alam mo kung bakit?

LANDER: Bakit?

LUANA: Kasi alam nila na makapal na yang pagmumukha mo.

LANDER: Aray...ang sakit mo namang magsalita.

LUANA: Tinamaan kasi totoo.

LANDER: (kunwari magtatampo) Sige, ganyan ka. Uuwi na nga lang ako. Di na ko babalik dito.

LUANA: Asus, magtampo daw ba. Sige, umuwi ka na.

LANDER: Asa ka pa. Si Nanay Helen lang makakapagpaalis sa akin dito no.

LUANA: Kapalmuks talaga.

LANDER: Gwapo naman.

LUANA: Haist! Ang hangin!

LANDER: (bahagyang matatawa) Sige ganito na lang. Ako na lang pupunta dito. Okay ba yon?

LUANA: Tss! Nagpaalam pa talaga. Halos araw-araw ka na ngang nandito e. Tsaka kahit sabihin kong hindi okay, may magagawa ba ako? Parang annex lang ng bahay mo tong bahay namin a.

LANDER: Sisihin mo si Nanay Helen. Sarap kasi ng mga luto niya.

LUANA: Tss! Sipsip! Iuwi mo na lang to at doon mo na lang gawin sa bahay mo. At lubus-lubusin mo na rin, ibalik mo na lang to pag tapos na. (sabay abot sa bag)

LANDER: Di ba mas maganda na kasama kita para alam ko kung anong klaseng music ang gusto mo?

LUANA: Sige, bukas na lang. Pag-iisipan ko muna kung anong songs ang gusto kong ilagay mo diyan.

LANDER: Saan? Sa bahay ko?

LUANA: Baliw! Dito.

LANDER: Okay po.

LUANA: Sige na, umuwi ka muna sa bahay mo.

LANDER: Ba't ba gusto mong umuwi na ko? Pinapaalis mo na ba talaga ako?

LUANA: Oo. Kasi wala akong magagawa pag nandito ka. Daldaldalin mo lang kasi ako.

LANDER: E di kay Nanay Helen na lang ako makikipagdaldalan para maiba naman.

LUANA: Ewan ko sayo. Palibhasa kasi wala kang ginagawa.

LANDER: I beg your pardon. Akala mo lang na wala akong ginagawa. Kahit nasa bahay lang ako, nagtatrabaho pa din ako no.

LUANA: Aaah...yong trabaho mo na di mo naman masabi sa amin kung ano. Siguro illegal yon no?

LANDER: Excuse me...anong illegal? Kung alam mo lang.

LUANA: E, kung legal siya, ba't di mo masabi sa amin kung ano?

LANDER: Free lancer nga ako.

Here With MeWhere stories live. Discover now