73 - Not Feeling Well

465 14 26
                                    


VANGIE: E kasi sir...

RANDEL: Masama ang pakiramdam?

Tatango lang si Vangie.

RANDEL: Tsk! Sinasabi ko na nga ba e. Ang tigas kasi ng ulo. (tutunguhin ang kwarto nila Luana)

Tahimik namang nakasunod lang si Vangie kay Randel.

Pagdating ng dalawa sa kwarto, agad na lalapitan ni Randel si Luana at sasapuin sa noo ang nakapikit na dalaga.

RANDEL: Ang taas ng lagnat. (lilingunin si Vangie) Ngayon lang ba to?

VANGIE: (tutungo) Hindi po, ka...kaninang madaling-araw pa po.

RANDEL: Ano?! Ba't di niyo sinabi? Ba't di mo ko ginising?

VANGIE: E sir, ayaw po niya e. Ayaw po niya na gisingin isa man sa inyo, lalo na si Mamang dahil alam niyang maaga po siyang bibiyahe ngayon.

RANDEL: Maski na. Dapat sa ganitong mga sitwasyon, kailangan sabihan niyo kami. Kahit anong oras pa yan.

VANGIE: Sorry po.

RANDEL: Okay. Pwedeng pakitawagan mo si Dr. Corpuz? O di kaya si Dr. Ledesma kung di siya available. Ako na muna ang magbabantay sa kanya. (sabay sulyap kay Luana)

VANGIE: (hindi makakasagot, in her mind) Ba't kailangan pang ako ang tumawag? E pwede namang siya na lang tas ako na lang maiiwan dito para magbantay. Sir talaga o, masyado kang obyus.

RANDEL: Vangie! Narinig mo bang sinabi ko?

VANGIE: (gulat) Po?

RANDEL: (impatiently) Sabi ko—

VANGIE: A...e...sige po, gets ko na po. Tatawagan ko na po si Dr. Corpuz o di kaya si Dr. Ledesma. Maiwan ko na po muna kayo. (agad tatalikod)

Pagkaalis ni Vangie, agad na lalapitan ulit ni Randel ang dalaga. He reaches for her and gently strokes her hair. Then he takes her hand and caresses it.

RANDEL: (in his mind) Ayokong nakikita kang ganito. (kisses her hand then bends down to kiss her forehead)

After a while, lalabas ito para tawagan si Norman at sabihin dito na di sila makakapuntang farm. Habang nag-uusap ang dalawa, maririnig ni Randel ang mahihinang ungol at paghikbi ni Luana kaya agad itong magpapaalam sa kausap at lalapitan ang tila nananaginip na dalaga.

RANDEL: Luana...Luana...(gagapin ang kamay ng dalaga) Can you hear me?

LUANA: (nakapikit pa rin) Please...wag mo kong iiwan. (mapapahawak na din ito ng mahigpit sa kamay ng binata) Dito ka lang sa tabi ko. Wag mo kong iwan, please...

RANDEL: I won't, andito lang ako. (kisses her hand then strokes her hair) Hindi kita iiwan. Promise, hinding-hindi kita iiwan.

LUANA: Lander...Lander, mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka sa akin. Wag mo kong iwan, please? Please stay...

By then...tila hindi makakakibo si Randel at mapapatingin na lang ito sa kawalan. He feels like his heart's been stabbed and torn into pieces. Dahan-dahan niyang bibitiwan ang kamay ng dalaga.

RANDEL: Ba't mo to ginagawa sa akin? (mapapalunok ito at mapapakuyom ng palad dahil sa magkahalong galit at awa sa sarili)

LUANA: Lander...Lander... (tuluyan ng mapapaluha habang nakapikit pa rin)

RANDEL: (pupunasan ang mga luha ng dalaga) These tears, he doesn't deserve them anymore...dahil wala na siya...dahil iniwan ka na niya.

Then, dahan-dahang magmumulat ng mga mata si Luana.

Here With MeWhere stories live. Discover now