58 - Wounded Anew

949 30 11
                                    

                   
RANDEL:      Si Mamang? Asan si Mamang?

NEMO:           Baka nasa taas po. Gusto niyo po bang tawagin ko po siya?

RANDEL:      Wag na, salamat. Ako na lang. (mabilis itong aalis)

Pagkaalis ni Randel...

NEMO:           Ano na naman kayang nangyari ngayon?

VANGIE:        Malamang nag-away na naman sila.

NEMO:           Hay naku, kelan kaya magkakaroon ng ceasefire sa pagitan nila?

VANGIE:        Sana magbati na nga sila. Lagi ko pa namang ipinagdarasal yon. Kaso mukhang malabo. Alam naman natin kung gaano kalaki ang galit ni Luana kay Sir di ba?

NEMO:           Sana malaman niya na nag-aalala din yong tao sa kanya.

VANGIE:        Natural. Alam naman natin siguro kung bakit di ba? Siyempre pag mahal—

NEMO:           Vangie, boses mo. (sabay tingin sa paligid)

VANGIE:        Ay sorry. Ang ibig kung sabihin, kung may mangyaring masama kay Luana, e di siya ang sisisihin ng lahat.

NEMO:           Sabagay. Asan na kaya yong babaeng yon?

VANGIE:        Palagay ko, alam ko na kung nasaan siya.

NEMO:           Saan?

Aakyat na sana si Randel nang makita nitong pababa naman ng hagdan si Cora.

RANDEL:      Mamang!

CORA:           O, hijo, may kailangan ka?

RANDEL:      Nakita niyo po ba si Luana?

CORA:           Si Luana? Hindi. E di ba kayo ang magkasama?

RANDEL:      Nauna na po siya kasi dito.

CORA:           Hindi ko pa siya nakikita. Teka, (biglang mag-aalala) ano bang nangyayari? Ba't di kayo magkasabay?

Doon, parang nanlulumong mapapaupo ang binata sa may arm ng malaking upuan sa may sala.

CORA:           Ano na naman ba'ng nangyari? May problema ba? Ba't di kayo magkasama?

RANDEL:      Medyo nagkasagutan na naman po kasi kami.

CORA:           Ano? Na naman?

RANDEL:      Ewan ko po. Ang bilis po kasi ng pangyayari e. Bigla na lang po siyang nagalit...as in galit na galit.

CORA:           At sinabayan mo naman?

RANDEL:      Di ko po kasi napigilan yong sarili ko.

CORA:           Anak, sinabi ko naman sayo di ba—

RANDEL:      Opo, alam ko po yon. Kaso kanina, hindi ko po siya maintindihan e. Bigla na lang siyang...basta, di ko ma-explain yong expression sa mukha niya. Basta ang alam ko lang, galit na galit siya. And this time, yong galit niya, parang yong dati. Parang nung time na dinala ko siya dito. Nanlilisik yong mga mata niya at parang sinisisi niya ko na...basta, ewan ko po, di ko po talaga maintindihan.

CORA:           Baka may ginawa ka na naman kasi.

RANDEL:      Wala po akong ginawa.

CORA:           Sigurado ka?

RANDEL:      Siya po ang nauna.

CORA:           Sabi ko na nga ba e.

RANDEL:      E kasi naman...

Here With MeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu