76 - Remedy

464 15 21
                                    

           
After a few minutes, makakatulog si Luana dahil na rin sa epekto ng gamot. Papasok ulit si Randel at doon malayang pagmamasdan na naman nito ang dalaga.

RANDEL:         (kukunin ang kamay ni Luana) I'm happy na medyo okay ka na. Sana magtuloy-tuloy na yong paggaling mo. And about dun sa sinabi mo, okay lang na di ko mabago yong tingin mo sa akin...sa ngayon. Pero hindi ako susuko—hindi ako susuko hanggang sa dumating yong panahon na matunaw ko yang yelong bumabalot sa puso mo para sa akin. Hindi ako bibitiw, Luana. Pinapangako ko, hindi ako susuko. And I know someday...somehow...makakalimutan mo din yang pagmamahal na meron ka para sa kapatid ko. I'll do everything it takes just to make you forget that love. (kisses her hand)

Pagsapit ng gabi...

VANGIE:          O, sige na, pahinga ka na. Bukas na ulit tayo mag-chikahan.

LUANA:           Ha? Teka, ang aga pa para matulog. Anong oras pa lang a. Dito muna kayo.

NEMO:            Kung pwede lang sana kaso yon kasi ang bilin ni Sir sa amin, para di ka daw mapuyat which is tama naman. Kailangan mo talagang magpahinga para makabawi ka ng lakas tsaka para gumaling ka na agad-agad.

LUANA:         Haist! Kahit kailan kontrabida talaga siya. Hay...parang puro tulog na lang ginawa ko buong araw a.

VANGIE:        Ganun talaga.

LUANA:           Teka, Vangie, sasamahan mo ba ko dito ngayong gabi?

VANGIE:          Ay, hindi. Sorry.

LUANA:           Ha? E sinong makakasama ko dito?

Magkakatinginan ang dalawa.

NEMO & VANGIE:   Si Sir.

LUANA:         What? Nang-aasar ba kayo?

Mapapailing lang ang dalawa.

LUANA:         No way!

VANGIE:        Pasensya na, girl, pero mas kailangan mo si Sir dito.

LUANA:         Anong kailangan? No! I don't need him.

NEMO:           Luana...

LUANA:         Kung iniisip niya ang tungkol dito sa IV na to, well, pwede na niyang tanggalin ngayon pa lang. Mababa naman na ang lagnat ko tas kumakain na ko tas hindi na ko nahihilo or nagsusuka. Medyo okay naman na ako. Siguro naman puwede na kong bumalik sa baba.

NEMO:           Hindi pa nga pwede. Sumunod ka na lang. Para din naman sayo to e.

VANGIE:        Oo nga, prenship. Tsaka si Sir sumusunod lang naman din sa utos ng doctor. Kung alam lang sana namin yong mga dapat gawin e di sana kanina pa kami naglatag dito ng mahihigaan di ba?

LUANA:          Ayoko siyang makasama.

NEMO:           Well, whether you like it or not, wala na tayong magagawa.

LUANA:          Haist! Pwede namang doon na lang siya sa kwarto niya di ba? Tas pumunta na lang siya dito pag kailangan.

VANGIE:        Ay...pinahirapan mo naman yong tao.

LUANA:          E siya may gusto nito di ba? E di lubos-lubusin na niya.

NEMO:           (inis) Luana! Ayoko ng ganyan. Dapat nga i-appreciate mo kung anong ginagawa niya para sayo. Hindi yong ganito na mukhang siya pa yong masama at ikaw pa tong may ganang magreklamo at magalit.

LUANA:          (tila mapapahiya) Sorry. Alam niyo naman kasi yong situwasyon namin di ba?

NEMO:            Oo, nandoon na kami. Pero sa mga ganitong pagkakataon, pwedeng isantabi mo muna yong mga issue na yan? And please, wag na masyadong magmatigas. Diyan ka kasi napapahamak e.

Here With MeWhere stories live. Discover now