11 - Unwell

4.4K 39 25
                                    


LANDER: Yong pag-yes mo kanina.

LUANA: Ano? Teka...ano to, biruan? Or gusto mo lang akong utuin? Tigilan mo nga ko Lander. Ikaw ha, sinagot lang kita, nang-uuto ka na agad.

LANDER: Sige na please...I want you to say it again; I wanna hear it again. This time make it louder and clearer. Pleeeeaaassseee?

Sa kakukulit, mapipilit din ni Lander ang dalaga.

LUANA: Okay! (reaches for his face) Attorney Landrieu "Lander" Sullivan, pumapayag na po akong maging girlfriend mo. Okay na ba yon?

Imbes na sagutin siya ng kasintahan...

LANDER: Guys, narinig niyo yon? Pumapayag na siya—oops! Pumayag na siya! O ano, okay na daw ba yon?

LAHAT: Okay na okay!

Then they cheer—hiyawan at palakpakan. Walang kaalam-alam ang dalaga na halos andun lahat ng mga kapitbahay nila.

Hindi naman halos makakapagsalita si Luana sa kabiglaan. She was right when she thought na may pasabog na naman ang binata.

LUANA: (murmurs) Sabi ko na nga ba e. Haist! (sabay takip ng mukha)

LANDER: (natatawa) O, bakit?

LUANA: Lander Sullivan...you lied to me. Now, you are so dead! (pagkukurutin nito ang binata)

LANDER: Aray! Aray! (mas lalong lalakas ang tawa nito)

LUANA: Puro ka talaga kalokohan, puro ka biro!

LANDER: (huhulihin ang kamay ni Luana) Were you surprised? (natatawa pa din ito)

LUANA: Nang-aasar ka ba? E kung bawiin ko kaya yong sagot ko?

LANDER: No! No! No! You can't. (bibitawan nito ang mga kamay ni Luana) Hindi na pwede. Wala ng bawian. (places his hands on her waist) Ayan nga o, dami nating witnesses. Kaya wala ka ng kawala. At pag binawi mo yon, kakasuhan talaga kita. Tas sisiguraduhin ko na makukulong ka...dito sa puso ko. Walang piyansa, walang parole.

LUANA: Aysus! Diyan ka magaling sa mga pambobola mo! Ang daya mo talaga. (sabay kurot ulit)

LANDER: Aray! Masakit ha!

LUANA: Buti nga sayo.

CLARENCE: (pasigaw) Wala man lang bang isang matamis na kiss diyan?

LAHAT: Oo nga. Oo nga.

LUANA: Kiss? Anong kiss? Ano to engagement?

LANDER: Sige na, pagbigyan na natin sila. Para tumigil na.

LUANA: Isa ka pa. Umayos ka nga.

LAHAT: Kiss! Kiss!

LANDER: Paano ba yan? Majority wins. (titingin kay Helen) Nay, okay lang po ba?

Ngiti at kibit-balikat lang ang maisasagot ng tinanong.

LANDER: Badong, okay lang ba?

BADONG: Okay! Alright! Approved! (sabay thumbs up)

LUANA: Haist! Pinagkakaisahan niyo ko ha.

LANDER: Sige na kasi. Isa lang.

LUANA: Ewan ko sayo.

LANDER: Sige na. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Gutom na sila o.

LUANA: O, di kumain na. Kalimutan na lang kasi yang kiss kiss na yan.

Here With MeKde žijí příběhy. Začni objevovat