22 - Captured

3.9K 32 12
                                    


Days pass by...

Isang tawag mula kay William ang matatanggap ni Luana.

WILLIAM: Sa Wednesday, pwede kitang samahan dun sa puntod ni Lander.

LUANA: (excitement in her tone) Talaga? Salamat. Salamat ng marami.

WILLIAM: Pasensya na daw sabi ni Clarence kung di makakasama. Meron kasi siyang bagong kasong inaasikaso ngayon.

LUANA: Okay lang. Sabi ko naman sa inyo kahit ako lang mag-isa di ba? Kaya ko naman e.

WILLIAM: We still insist na isa sa amin ang sumama sayo dun.

LUANA: Salamat kung ganun.

WILLIAM: Sige, I'll pick you up in the morning.

LUANA: Okay. See you, then. Salamat ulit.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakaroon ng problema sa firm bago pa man sumapit ang nasabing araw. Walang magagawa si William kundi ang tawagan uli ang dalaga para sabihan na hindi na matutuloy ang usapan. At kung matuloy man, hindi na niya ito masasamahan pa.

Mapagkakasunduan ng dalawa na ihatid na lamang ang dalaga ng driver ng kompanya sa lugar ng pinaglibingan kay Lander. Ayaw sana ni William na ganun ang maging set up nila pero mapilit ang dalaga kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito. Hindi rin kasi nito maiwan ang firm bilang bagong tagapamahala nito, silang dalawa ni Clarence, kapalit ng namayapang kaibigan.

Early Wednesday morning...

Mapapatitig si Luana sa hawak-hawak na kwentas. Nasa may harap ito ng maliit na tokador sa kwarto nila.

LUANA: (with a bittersweet smile) This is the day. Madadalaw na kita sa wakas, honey ko. I miss you so much...and I love you more. (wears the necklace)

Lalabas ito para magpaalam na sa ina na kausap naman ang driver na maghahatid sa anak sa San Victorio.

LUANA: Nay, alis na po kami. (kasalukuyang isinusuot nito ang sapatos na bigay ni Lander)

HELEN: (sa driver) A...sandali lang ha. Mag-uusap lang kami saglit ng anak ko.

DRIVER: (mangingiti) Sige lang po. A...Ma'am Luana, doon na lang po ako sa kotse maghihintay sa inyo.

LUANA: Sige po. Salamat po.

Pagkaalis ng driver...

HELEN: Anak, sigurado ka ba sa gagawin mo? (bakas ang pag-aalala sa mukha nito) Wag ka na lang kayang tumuloy.

LUANA: Nay, nag-usap na po tayo tungkol dito, di po ba?

HELEN: E kasi anak, parang kinakabahan ako.

LUANA: Nay, wag naman po kayong ganyan.

HELEN: Kung pwede lang sana kitang samahan.

LUANA: Asikasuhin niyo na lang po si Badong. Kaya ko naman na po yong sarili ko. (malambing na boses) Matanda na po ako. (sabay yakap ng mahigpit sa ina)

HELEN: Hay, naku, ikaw na bata ka. Basta mag-iingat ka dun ha.

LUANA: Opo. Hayaan niyo po, iti-text ko po si Minnie o kaya si Gelai para sabihan kayo tungkol sa kalagayan ko. Kaya wag na po kayong mag-alala. Tsaka mamayang gabi andito naman na po ako e.

HELEN: Teka, akala ko ba mamayang hapon ang dating mo?

LUANA: Di ba nga po, tumawag si Suzanne kagabi? Gusto niya kong makausap tungkol sa inaalok niyang trabaho sa studio. Dadaan po muna ako sa kanya.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon