123 - Possessive

339 14 15
                                    

A few days after...

Makikipagkita si Luana sa isang dating malapit na kaibigan na siyang magma-manage ngayon sa resort nila sa Poblacion. Nagpasya kasi itong buksan ulit ang nasabing lugar pagkatapos nitong masara nung panahong nabawi na ito sa mga nais na kumamkam dito.

Pasakay na ito ng kotse nang biglang may pumigil sa kanya.

LUANA:         You...anong ginagawa mo dito?

RANDEL:      Sino yong kasama mo? Sino yong lalaking yon? (hawak-hawak nito sa braso ang asawa)

LUANA:         You don't need to know kaya bitiwan mo ko. (pilit na babawiin ang braso pero lalo lang hihigpit ang hawak ng kanyang asawa dito)

RANDEL:      Kaya pala gustong-gusto mong matutong magdrive...para makaalis ka any time you want.

LUANA:         So what? May problema ka dun?

RANDEL:      I shouldn't have let you.

LUANA:         Well, too late for you to regret na pinayagan mo ko.

RANDEL:      Tss! At kelan ka pa natutong magsuot ng ganyan (looks at her from head to toe) at maglagay ng kung anu-anong kulay sa mukha mo? (gusto na nitong sabihin) Dapat sa akin ka lang ganyan.

LUANA:         Of course, I need to be presentable kahit papaano sa mga taong makakatrabaho ko at mga taong makikilala ko't makakasalamuha. (with a mocking smile) Bagay ba?

RANDEL:      Hindi ako nagbibiro.

LUANA:         Sino bang nakikipagbiruan dito? Seryoso ako no. (pero pang-asar pa rin ang mga ngiti nito)

RANDEL:      Hindi ka nakakatuwa.

LUANA:         Well, sorry ka na lang kung di ka natutuwa. Problema mo na yon. (malakas na babawiin ang braso)

Bubuksan na sana nito ang kotse pero pipigilan ulit ito ni Randel by placing his one hand on the door.

LUANA:         Ano ba talagang problema mo?

RANDEL:      Pinapaalala ko lang sayo, Luana, kasal ka pa sa akin.

LUANA:         So? E maghihiwalay naman na tayo.

RANDEL:      At sa tingin mo papayag ako?

LUANA:         Wala ka ng magagawa pa, alam mo yan.

RANDEL:      Sinong nagsabi? Siguro nga pwedeng matuloy yong annulment pero hinding-hindi ako papayag na mapunta ka sa iba.

LUANA:         (bigla ito ng mapapakunot-noo) What?

RANDEL:      Tandaan mo to, Luana. Akin ka lang. Akin lang kayo ni Zeo. Ngayon, kung di ka man mapunta ulit sa akin, kung di man kita makasama sa piling ko, sisiguraduhin ko rin na di ka rin mapupunta sa iba. Walang ibang pwedeng makakuha sayo.

LUANA:         And who are you to say that?

RANDEL:      Ama ng anak mo.

LUANA:         You're nuts.

RANDEL:      Well, siguro nga. Pero gusto ko lang makasiguro na kay Zeo lang mapupunta ang atensiyon mo't pagmamahal at hinding-hindi sa iba.

LUANA:         Napakamakasarili mo talaga.

RANDEL:      Iniisip ko lang ang anak ko.

LUANA:         Nababaliw ka na.

RANDEL:      Dahil sa'yo. Kaya kung ako ikaw, maaawa ako sa kung sino mang gustong umaligid sayo at gustong pumasok sa buhay mo. Hindi ko sila sasantuhin, Luana. I swear, I'll make their life a living hell hanggang sila na mismo ang lumayo sayo. Tandaan mo yan.

Here With MeWhere stories live. Discover now