121 - Busted

268 15 10
                                    


RANDEL: (biglang kakabahan) Um...ano...wala to. Wala. Kagat lang to ng surot.

LUANA: Surot?

RANDEL: Di ba nga di ako umuwi kagabi kaya...kaya nag-rent ako sa bayan. E pagkagising ko may ganito na.

LUANA: Yan...yan tuloy napala mo. Buti nga sayo.

RANDEL: Grabe naman.

LUANA: Pero teka, ba't parang ang laki naman ata kung kagat nga ng surot yan? Tsaka para na siyang pasa.

RANDEL: (mapapalunok) Um...kinamot ko kasi kaya...kaya naging ganito. Sobrang kati kasi. Meron pa nga dito sa may dibdib tsaka tiyan. Gusto mong makita?

LUANA: Wag na no.

RANDEL: Mukhang ayaw mo na naman kasing maniwala.

LUANA: Nakakapagtaka lang kasi na tinatablan pa rin ng kagat ng insekto yong tulad mong makapal ang balat lalo na ang mukha.

RANDEL: Aba, ikaw nagsisimula ka na naman a. Gusto mong umalis ulit ako?

LUANA: (tataasan ng kilay ang asawa) Tinatakot mo ko?

RANDEL: (mangingiting hahagkan ulit ang mga kamay ng asawa) Siyempre hindi. Promise, I'll never do it again. Never...ever.

LUANA: So...hindi ka na galit at naiinis sa akin?

RANDEL: Bakit gusto mo ba?

LUANA: Ewan ko sayo.

RANDEL: Ito naman. Hindi pa ba obvious? Tsaka alam mo namang di ko kayang tuluyang magalit sayo kahit pa minsan—ay hindi, madalas pala e medyo di na maganda tabas ng dila mo pagadating sa akin.

LUANA: Tss!

RANDEL: Ganun kita kamahal. Ganun ako ka-under-standing sa'yo.

LUANA: Ewan ko sayo, ang cheesy mo.

RANDEL: Seryoso ako.

LUANA: Oo na, sige na. Gusto ko ng maligo.

RANDEL: Sama ako.

LUANA: Gusto mong sumama yang mukha mo?

RANDEL: Joke lang. Ito, di na mabiro.

LUANA: Joke-joke-in mo mukha mo. Doon ka na nga sa kanila. Alagaan mo si Zeo.

RANDEL: Opo, mahal kong reyna.

LUANA: Tss! (di nito mapigilang mapangiti)

Pagkapasok ni Luana sa banyo, mapapalitan ng pag-aalala at pangamba ang mukha ni Randel.

RANDEL: Shit, muntik na ko dun. (feels his neck where the hickey's located) I'm so sorry, Luana, I needed to lie. Hindi ko kakayaning harapin ang galit mo kung sakali. And, I'm sorry, too...it happened. Kasalanan ko.

Samantala...

LUANA: Ba't biglang nanlamig kamay nun? Ang weird niya.

Lilipas ang mga araw na magkasundo ang dalawa. May mga pagkkataong nagkakaroon din ng konting alitan o di pagkakaintindihan ang mga ito pero mabilis nila itong mareresolba.

A day before they go back to Cielo Puro, makakatanggap si Luana ng isang malaking brown envelope.

LUANA: Salamat. Kanino naman kaya galing to?

VANGIE: Ewan. Walang nakalagay e. Baka mga dokumento yan galing kina Sir William at Sir Clarence.

LUANA: Kaya? E di sana tumawag na sa sila sa akin.

Here With MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя