92 - Weakness

326 14 36
                                    

           
BRENT:         Wow! Himala, ikaw ang naghahanap ngayon sa kanya.

RANDEL:      Kailangan ko lang siyang makausap.

BRENT:         Tamang-tama. Pauwi na rin yon ngayon.

RANDEL:      Kadarating mo lang din ba?

BRENT:         Fifteen minutes ago. Musta na?

RANDEL:      May problema.

BRENT:         What about?

Magsasalita na sana si Randel nang biglang dumating si Brenda.

BRENDA:      Randel!

Agad nitong lalapitan ang binata para yumakap sana at humalik pero pipigilan naman siya ng huli.

BRENDA:     (pilit pa ring ngingiti) Napadalaw ka.

Hindi sasagot si Randel. Mananatiling madilim lang ang mukha nito.

BRENDA:      Teka...may problema ba? Ba't ganyan ka makatingin?

BRENT:         Pare...ayos ka lang? Gusto mo bang maiwan ko muna kayo?

RANDEL:      Hindi. Dito ka lang...para malaman mo kung anu-anong mga pinaggagagawa ng kapatid mo.

BRENDA:      What? Ano bang pinagsasasabi mo? May nagawa ba ko?

RANDEL:      Ba't di kaya ang sarili mo ang tanungin mo niyan?

BRENT:         Wait, ano bang nangyayari?

BRENDA:      Ewan ko sa kanya.

RANDEL:      Ba't mo nagawa yon?

BRENT:         Nagawa ang alin? (magpapalitpat-lipat ang tingin sa dalawa)

RANDEL:      Gusto mong mapahamak—no, gusto mong ipahamak si Luana.

BRENDA:      Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mo.

RANDEL:      Really? E itong lalaking to, baka may alam ka tungkol sa kanya. (ilalabas ang litrato ng lalaking inutusan ni Brenda para gawan ng masama si Luana)

BRENDA:      Hindi ko siya kilala.

RANDEL:      Are you still gonna deny it? Umamin na siya, Brenda. How could you!

BRENT:         Teka, teka, ako tong naguguluhan sa inyo e. Ano ba talagang nangyayari? Brenda...

RANDEL:      O, tinatanong ka ng kuya mo. Ba't di mo sagutin?

BRENDA:      (mapapalunok) Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Excuse me.

Pero agad siyang haharangin ni Randel.

RANDEL:      Hindi ka aalis.

BRENDA:      Randel, ano ba? Pagod ako. Gusto ko ng magpahinga.

RANDEL:      Sa tingin mo makakapagpahinga ka pa rin ngayon na alam ko na kung anong ginawa mo?

BRENT:         Ano ba kasing ginawa niya?

RANDEL:      Anong ginawa niya? Gusto niyang ipahamak si Luana. She hired someone to rape her, kill her at itapon siya kung saan. Mabuti na lamang at di sumama si Luana sa kanila. Mabuti na lamang at pinasundan ko't pinamanmanan siya.

BRENT:         What? Brenda, ano to? Is it true?

Hindi makakasagot ang dalaga.

BRENT:         Oh my god...paano mo nagawa yon?

Here With MeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora