71 - New Acquaintance

429 15 21
                                    

Ilang saglit pa, habang nasa daan...

RANDEL: Sino nga ulit yong gustong makipagkilala sayo?

Hindi ulit sasagot si Luana, mapapasulyap lang ito sa binata.

RANDEL: Si Fernand ba?

LUANA: (sa labas ang tingin) Alam mo naman pala e, ba't nagtanong ka pa?

RANDEL: Wala lang.

LUANA: Wala naman palang rason e, ba't kailangan pang mang-usisa?

RANDEL: Gusto lang kasi kitang paalalahanan...na...wag kang masyadong maglalalapit sa mga taong di mo kilala at mag-iingat ka sa mga estranghero dito.

LUANA: Estranghero? Tiyuhin siya ni Tope, tas sasabihin mong estranghero? E di ba nga trabahador mo siya? Dapat ba kong mag-alala dun?

RANDEL: Hindi naman sa ganun. Ang ibig kong sabihin, mag-iingat ka, since di mo pa sila kilala. Tsaka bago lang siya dito.

LUANA: Alam mo, sa totoo lang, walang kwenta yang mga sinasabi mo kaya please, shut up. Kakausapin ko kung sinong gusto kong kausapin at haharapin ko kung sinong gusto kong harapin.

Mapapabuntong-hininga na lamang si Randel sabay iling.

RANDEL: (pabulong) Ang sungit talaga.

Friday...

TOPE: Um...Ate Luana, ang Tiyo Fernand ko po. Tsong, si Ate Luana.

LUANA: Hi. Ikinagagalak kitang makilala. (sabay lahad ng kamay)

FERNAND: (nahihiyang aabutin ang kamay ng dalaga) Ikinagagalak din kitang makilala.

Saktong darating si Randel. Tila di maipinta ang mukha nito dahil sa makikita.

FERNAND: Salamat at pinagbigyan mo ko na magkaroon ng pagkakataong makilala ka.

LUANA: Walang anuman.

RANDEL: (lalapit sa dalawa) Ahem!

Doon lamang bibitiw ang dalawa sa pakikipagkamay.

FERNAND: Magandang hapon po, Sir Del.

RANDEL: Magandang hapon naman. A...Luana, ready ka na ba?

LUANA: Kung gusto mo ng umuwi, mauna ka na. Sasabay na lang ako kina Manong Ador.

RANDEL: (maiinis) No. Aantayin na lang kita. I'll be back here in ten minutes. (titingin muna ito kay Fernand tsaka aalis)

FERNAND: Mukhang wala ata sa mood si Sir.

LUANA: Hayaan mo siya, wag mo siyang pansinin.

TOPE: Tsong, kila Juancho na muna ako ha. Daanan mo na lang ako dun.

FERNAND: Okay.

TOPE: Ate Luana, maiwan ko na muna kayo ha. Bahala na kayong mag-usap diyan. Kitakits na lang sa Martes.

LUANA: (mangingiti) Opo. Ang kulit!

Pagkaalis ni Tope, mauupo ang dalawa sa may mahabang upuang kawayan.

FERNAND: Pasensya ka na sa kakulitan ni Tope. Ganun talaga yon maski sa bahay kaya laging nalalagot sa nanay niya.

LUANA: Okay lang yon. Ang cute cute nga niya e.

FERNAND: Siyempre may pinagmanahan. (sabay pa-cute)

LUANA: (bahagyang matatawa) Mukha nga.

Here With MeWhere stories live. Discover now