27 - Flashback

3.7K 36 13
                                    


RANDEL: What? I'm just defending myself. I'm not even hurting her. Haist! (pakakawalan ang dalaga)

Agad na muling yayakap ng mahigpit sa dalawa ang dalaga.

RANDEL: Sige na makakaalis na kayong dalawa.

WILLIAM: Okay, then. Please be true to your words, Randel. (titingin kay Luana) Luana, we have to go.

Pilit na tatanggalin ng dalawa ang mga kamay ng dalaga sa pagkakayakap sa kanila.

LUANA: No! Don't leave me. Please, don't leave me here. I beg you. (halos mapunit na ang mga damit ng dalawa sa higpit ng hawak nito)

RANDEL: Let them go! (sapilitan nitong hihilahin ang dalaga palayo sa dalawa)

LUANA No! Bitiwan mo ko!

RANDEL: Ang tigas ng ulo mo. (hahawakan ng mahigpit ang dalaga dahilan para hindi ito makagalaw)

LUANA: (sa dalawang abogado) Please, don't do this. Please don't leave me.

WILLIAM & CLARENCE: We're so sorry...but we need to go.

Nakatungo at mabilis na lilisanin ng dalawa ang lugar na yon.

LUANA: Nooooooooo!!!!

Bibitawan ni Randel si Luana ng makatiyak nito na nakaalis na nga ang dalawa. Kaawa-awa namang mapapasalampak ang dalaga sa sahig, tuloy pa rin sa paghagulgol.

RANDEL: Pwede ba, tama na yang kadramahan mo na yan? Tumayo ka na diyan at bumalik ka na sa ginagawa mo.

LUANA: (faces him, her eyes burning with anger) Hayop ka! Halang ang kaluluwa mong hayop ka! Demonyo ka! (susugurin Randel at pagbabayuin ito sa dibdib)

RANDEL: (huhulihin ang mga kamay ng dalaga at hahapitin niya ito) Binabalaan kita, Luana, wag na wag kang magkakamaling galitin ako, (moves his face closer to her which makes her looks away to her right) dahil hindi mo alam kung anong pwede kong gawin ko sa'yo. (moves closer again, his lips barely touching her skin, then whispers) Hindi ako magdadalawang isip na parusahan ka. And worse, baka iba ang mag-suffer.

Buong lakas na itutulak ng dalaga sa may dibdib ang batang amo. Pakakawalan naman siya ng huli.

LUANA: (nanggagalaiti) Walanghiya ka talaga! Wag na wag mo ring madamay-damay ang pamilya ko dahil magkakamatayan tayo!

RANDEL: Then be it! This is now a war between you and me. And I'm telling you, you'll never win. Itanim mo yan sa kukote mo! (sabay duro sa dalaga)

LUANA: Hayop ka. (nginig na ito dahil sa galit) Darating din ang araw na ako naman ang maniningil sayo at ikaw naman ang magmamakaawa sa akin. Tandaaan mo yan dahil kailan man, di kita mapapatawad! (sabay punas sa mga luha nito at mabilis na lilisanin ang lugar)

RANDEL: (mapapangiti ito, ngiting nakakaloko) Let's see.

A few days after...

LUANA: (aabutin ang isang malaking envelop kay Nemo) Ano to?

NEMO: Ewan ko. Basta, pinabibigay yan ni Sir Randel.

VANGIE: Buksan mo kaya para malaman mo kung anong meron.

Pagkabukas ng naturang malaking sobre...

LUANA: Ano tong mga to? (nginig ang mga kamay habang iniisa-isang tinitingnan ang mga hawak na litrato) No... (tila di ito makapaniwala sa nakikita)

VANGIE: Ano yan? Patingin. (kukunin ang isa sa mga litrato) Ay, hala, sinong namatay? Sino tong mga to?

NEMO: Patingin daw beh...(titingnan ang litrato at mapapatingin kay Luana) Luana...friend, okay ka lang?

Here With MeWhere stories live. Discover now