69 - Pretense

449 18 35
                                    

VANGIE: Teka, matanong kita, ikaw ba gusto mo ng magkaroon ng...ng...ano nga ba yon? Yong may payr payr na sinasabi mo dati?

NEMO: Ceasefire.

VANGIE: Yon nga. Ikaw ba gusto mo ng magkaroon ng sispayr yong dalawa?

NEMO: Sino bang hindi? Siyempre gusto ko no.

VANGIE: Isa pang tanong.

NEMO: Ano na naman?

VANGIE: Ikaw ba, gusto mo si Sir para sa kaibigan natin?

NEMO: Tinatanong pa ba yan? Siyempre no. 101%. Matagal ko na kayang ipinagdarasal na magka-develop-an ang dalawang yan. At ngayon, nasagot na yong isa, yong isa na lang ang hinihintay kong ma-"answered prayer".

VANGIE: Good. Beri beri good, dahil yan din ang gusto kong mangyari.

NEMO: So, anong gusto mong gawin natin ngayon?

VANGIE: Ngayong pareho naman pala tayo ng ninanais para sa dalawa, ano kaya kung—

NEMO: Tulungan natin si Sir kay Luana? Parang ilakad, ganun?

VANGIE: Tumpak! Nakuha mo din.

NEMO: Heh! Matagal ko na kayang gustong gawin yan no. (mangingiti) Actually, unti-unti ko ng ginagawa pag may chance. Ang saya kayang mag-play-Cupid.

VANGIE: Korek. Ako din ganyan din. Hay, Nemo, mukhang hindi na malayo sa posibilidad yong napag-usapan natin nung nakaraang Linggo.

NEMO: Tungkol saan?

VANGIE: Ay ulyanin. Yong tungkol sa baby, ano ka ba?

NEMO: (kinikilig) Ay oo nga. Ayeee!

VANGIE: Basta dapat, ako ang maging yaya ng mga anak nila.

NEMO: Hindi pwede.

VANGIE: At bakit?

NEMO: Dahil sigurado akong laging kabag aabutin ng bata sayo.

VANGIE: Bakit naman?

NEMO: I'm sure, palaging iiyak yon pag nakita yang pagmumukha mo.

VANGIE: Alam mo ikaw, sumusobra ka na ha. (sabay kurot sa kaibigan)

NEMO: Aray! Joke lang, ito naman. Natutuwa lang ako sayo.

VANGIE: Tse!

NEMO: I love you, friend.

VANGIE: Heh! Ewan ko sayo. Lika na nga sa loob.

NEMO: Tara.

Samantala...

BRENDA: Ano?! Ginawa mo yon?

LAIZA: Bakit po? Di po ba kayo masaya na nakaisa ako dun sa babaeng yon?

BRENDA: Ba't naman ako matutuwa? Tanga ka ba o sadyang di ka lang nag-iisip? Alam mo bang dahil diyan sa ginawa mo, pwede kang matanggal at mapalayas ng wala sa oras? Paano na yong mga plano ko pag nagkataon?

LAIZA: E ma'am, sorry po. Di ko lang po kasi napigilan yong sarili ko e. Kating-kati na nga tong mga kamay ko na dumapo sa pagmumukha ng Luanang yon.

BRENDA: Stupida! Ayusin mo yan.

LAIZA: Pero ma'am...

BRENDA: Aayusin mo yan o ikaw ang malalagot sa akin.

Here With MeWhere stories live. Discover now