67 - Lesson Learned

446 14 27
                                    

NEMO: Ano? Baliw ka ba? E ikaw nga tong dahilan kung ba't meron nito di ba tas aalis ka? E di nahiya naman kami nun.

LUANA: E kasi naman e...

NEMO: Hay naku, wala na tayong magagawa, okay? Si Sir Del ang nanalo, kaya sa kanya tayo whether we like it or not.

LUANA: Haist!

Mapapasulyap ang dalaga sa kinaroroonan ni Randel kung saan matamang pinagmamasdan naman siya ng huli.

LUANA: Haist! Malas talaga! Malas! (sabay irap)

Samantala...

BRENT: Ano, pare, bilib ka na ba sa akin?

RANDEL: (bahagyang matatawa) Oo na, oo na. Ikaw na talaga pagdating sa mga ganitong scheme. Buti di sila nakahalata.

BRENT: Basta para sayo. Nangako ako di ba? I promised na tutulungan kita para mapalapit kay Luana. So, ito na siya. This is the start.

RANDEL: Salamat, pare, kahit medyo nainis ako sa pag-cheer niya sayo.

BRENT: What did you expect, ikaw iche-cheer niya?

RANDEL: Hay...sana maging okay tong araw na to.

BRENT: Good luck sayo. At sana habaan mo pa yang pasensya mo sa kanya.

RANDEL: Yon talaga ang gagawin ko, dahil kung hindi, I'll be forced to teach her a lesson.

BRENT: Teach her a lesson? Like what?

Mangingiti lang si Randel.

BRENT: Psh! Loko ka. Wag na wag mong gagawin yan kung ayaw mong magka-giyera dito sa Cielo Puro.

RANDEL: I know...but I can't promise.

BRENT: Baliw! Tara na nga!

Ilang saglit pa...

BRENT: Okay, guys. Kaming tatlo, dito kami sa side na to, kayo (tingin sa kabila) diyan sa kabila.

LAHAT: Okay po.

BRENT: So, tara na! Let's do this!

Agad na lalapitan ni Randel ang palusong na Luana.

RANDEL: Kaya mo ba? Here take my hand. (sabay lahad ng kamay)

LUANA: (tatatasan lang ng kilay ang binata) Ano sa tingin mo?

RANDEL: Ang sungit. (susundan ang dalaga)

LUANA: (biglang lilingon) Ikaw, binabalaan kita.

RANDEL: What?

LUANA: Don't you ever dare lay your dirty hands on me.

RANDEL: What?

LUANA: Wag na wag mo kong hahawakan. At kung pwede, umiwas-iwas ka, wag kang lalapit sa akin.

RANDEL: Ha? Pwede ba yon?

LUANA: Pwede yon, kaya umayos ka.

Tahimik lang si Nemong nakamasid sa dalawa, laglag ang mga balikat dahil sa bangayan ng mga ito.

NEMO: (mapapailing) Hay...as usual.

Lilipas ang ilang minuto na halos sila Nemo at Randel lang ang magkausap. Magsasalita lang si Luana pag natanong siya. Most of the time puro irap lang ang sagot nito kay Randel, at si Nemo lang ang kinakausap.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon