75 - Her Private Nurse

500 17 34
                                    


RANDEL: Hangga't di ka gumagaling, dito ka na muna.

LUANA: No!

RANDEL: Yes.

LUANA: At sino ka para panguna—

RANDEL: Amo mo.

LUANA: Tss!

RANDEL: Sumunod ka na lang kasi. Tingnan mo, sa katigasan ng ulo mo, ito napala mo. Ano, uulit ka pa?

LUANA: Haist! (sabay irap)

RANDEL: Teka, nagugutom ka ba?

Hindi sasagot ang dalaga. Pakiramdam niya, wala siyang gana pero ramdam na nito ang tila pangangasim ng sikmura.

RANDEL: Silence means yes. (sasapuin ang noo ng dalaga)

LUANA: Ano ba? (tatabigin ang kamay ni Randel)

RANDEL: Medyo mainit ka pa rin. (kukuha ng oral thermometer) Ipapaakyat ko na yong sopas dito para makakain ka na. But for now, I need to take your temperature. Ah...

Tila walang narinig si Luana. Ibabaling nito ang ulo sa kabila.

RANDEL: Open your mouth.

Hindi pa rin kikibo ang dalaga.

RANDEL: Ayaw mo ha? (hahawakan si Luana sa may baba)

LUANA: Ano ba? (sabay tabig sa kamay ng binata)

RANDEL: Ba't ba ang tigas ng ulo mo?

LUANA: Ba't ba kasi kailangang may ganyan pa? Pwede namang sa kilikili.

RANDEL: This is more accurate.

LUANA: E ba't kailangan ikaw pa maglagay?

RANDEL: A...ano...kasi...(mapapaisip) kasi madumi yang kamay mo. Tsaka di ka naman marunong sa mga ganito.

LUANA: What?

RANDEL: Hay naku, Luana. Pwede ba wag ng maraming tanong? Sige na. (hahawakan ulit sa baba ang dalaga)

LUANA: No! Ako na! Ako na! (aagawin ang naturang bagay)

RANDEL: Ako na. Ah...

LUANA: Ako na nga.

RANDEL: Aaah...

LUANA: Haist! (mapipilitang ibuka ng konti ang bibig)

RANDEL: Good. (mumbles) May dinaramdam na nga ang lakas pa ring magtaray. (tutunguhin ang phone sa gilid at tatawag sa baba)

Ilang saglit pa...

RANDEL: Thank God, bumaba na lagnat mo.

Parang wala namang pakialam si Luana sa sinabi ng batang amo. Pipilitin ulit nitong bumangon na agad namang pipigilan ni Randel.

RANDEL: Sabi ng mahiga lang e. So stubborn. Ba't baa ng tigas ng ulo mo?

LUANA: Ano ba? (wala itong magawa dahil nanghihina pa rin ito)

RANDEL: Dito ka lang.

LUANA: E sa naiihi na ko. Ano, gusto mo dito ako umihi sa kama?

RANDEL: A...ganun ba? Ba't di mo kasi sinabi agad?

LUANA: A...luh? Sana kasi nagtatanong muna.

Here With MeWhere stories live. Discover now