83 - White Lie

484 15 25
                                    


Randel's room.

He smilingly browses Luana's pictures on his phone which he was able to take when he had the chance to do so.

RANDEL: Umpisa pa lang to, mahal ko. At asahan mo, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Gagawin ko ang lahat para mapunan ang puwang na iniwan ni Lander sa puso mo. At ipinapangako ko, tutuparin ko lahat ng mga pinangako niya sa'yo na di niya tinupad. Hindi kita iiwan. Hindi ka na mag-iisa. At higit sa lahat, magiging isa kang Sullivan. I'll make that happen...kahit anong mangyari.

Kinaumagahan, magigising si Luana na may isang boquet of roses sa tabi niya bandang ulunan.

RANDEL: Good morning mahal ko! Mabuti naman at gising ka na.

LUANA: (agad na mapapabangon at mapapaupo) Oh my God! Ano na naman? Magiging ganito na lang ba araw-araw?

RANDEL: Possible kung araw-araw ganitong oras ka din magigising.

Nakaupo si Randel sa may sofa, ina-assess ang hawak na mga papel. Biglang mapapakunot at mapapaisip naman si Luana.

RANDEL: (titigil ito sa ginagawa, tatayo at lalapitan si Luana) Do you know what time is it now?

Mapapatingin sa may bintana si Luana.

LUANA: (sa isip nito) Maliwanag na. (titingin sa orasan sa gilid ng kama) 8:10 na? (manlalaki ang mga mata nito) Oh my God!

RANDEL: Kung hindi pa ko umakyat dito, di ka pa gigising.

LUANA: Haist! Kasalanan mo to e. (aligagang bababa ng kama)

RANDEL: Bakit di ka ba agad nakatulog kagabi dahil sa kaiisip mo sa akin?

LUANA: Kapal mo! (mapapatigil) Teka, paano ka nakapasok dito?

RANDEL: (itatas ang dala-dalang susi) Sorry. Kanina pa kasi kami kumakatok but it seemed like you were still in a deep slumber so--

LUANA: Shhhh! Enough! Pwede, umalis ka na? Susunod na lang ako. Or kung gusto mo, mauna ka na sa farm. Makikiusap na lang ako kay Tatay Poldo na ihatid ako dun.

RANDEL: And how can I be sure kung susunod ka nga dun?

LUANA: 'Cause I said so.

RANDEL: Gusto ko sanang maniwala pero—

LUANA: Okay, fine. You wait downstairs then.

RANDEL: Okay.

Lalapitan nito ang dalaga at hahagkan sa ulo.

RANDEL: See you later babe!

LUANA: Ugh! Babe-in mong mukha mo! Baboy!

Ilang saglit pa...

RANDEL: Kumain ka na muna. Total nasabihan ko naman na sila dun na medyo mali-late tayo.

LUANA: Wag na. Nawalan na ko ng gana. At isa pa, baka lalo mo lang akong sisihin.

RANDEL: Ba't ko naman gagawin yon?

LUANA: Ewan. (mauuna na itong sasakay)

Pagkasakay ng dalawa...

RANDEL: Here. (sabay abot ng baunan at flask na may lamang gatas)

LUANA: Ano yan?

RANDEL: Food, I guess.

LUANA: Tss! (rolls her eyes) Ba't mo binibigay sa akin yan?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon