130 - Back At One

427 18 14
                                    

WARNING: SPG!!!

This part contains a scene that is strictly for adults only.

Please make sure that you are 18 or above.

Please be open-minded.

Read at your own risk.

______________________________________________________

LUANA:         Haist! Boses niyo, pwede ba?

GELAI:           Alam na namin yong nangyayari sa inyong mag-asawa. Sigurado ka ba girl na balak mo siyang pakawalan?

Hindi makakasagot ang tinanong.

GELAI:           Kasi alam mo...sorry guys a...magpapaka-honest lang ako. Pag yan pinakawalan mo, iisipin ko talaga na ikaw na ang isa sa mga pinakatungengot na babae sa mundong ibabaw.

LUANA:         Ay, grabe naman yan.

GELAI:           O, di ba, guys?

Sabay-sabay na tatango lang ang tatlo.

GELAI:           Teh, yang asawa mo, kumbaga sa hayop, endangered specie na yan. Bihira na lang yong mga ganyan ngayon no. Tas balak mo pang pakawalan? Taray! Iba ka! Siguro...(hahawakan sa ulo ang kaibigan)...may lumuwag na turnilyo dito? O di kaya kulang sa untog.

Matatawa ang tatlo sa tinuran nito. Maski si Luana ay mapapangiti rin.

LUANA:         Sira! Tigilan mo nga ako.

MINNIE:         Pero friend, seryoso. Ang swerte mo kasi ganyang lalaki ang napang-asawa mo. Abot langit ang kabaitan, hindi gaya ng hayop na Reynald na yon. (tukoy nito ang asawa na iniwan siya para sa ibang babae)

LUANA:         Minnie...

MINNIE:         Okay, erase! Erase! Hindi ko na dapat binabanggit pa yong mga taong wala namang kwenta.

GELAI:           Tao ba yon? Animal yon uy.

Magtatawanan silang lima.

GELAI:           Okay, balik tayo sa bruhang to. Ano na?

LUANA:         Anong ano na?

GELAI:           Itutuloy mo pa rin ba yang pakikipaghiwalay mo sa kanya?

Hindi makakasagot ang tinanong. Mapapatingin lang ito sa kanyang mga kaibigan.

That evening...

Magpapasyang magpahiga na ang mga kababaihan kabilang na sina Gelai at Nemo habang maiiwang nag-iinuman at nagkukwentuhan naman ang mga kalalakihan sa baba. Ilang saglit pa, magpapaalam na rin si Randel. Nais nitong makausap ang asawa. Kaya pagkatapos maligo pupuntahan nito si Luana sa kwarto nila. Madadaanan nito ang biyenan na karga-karga at isinasayaw si Zeo.

HELEN:         (in a soft voice) O, ba't di ka pa nagpapahinga?

RANDEL:      Mamaya na po. Tulog na po ba?

HELEN:         Papikit-pikit na. Nakikiramdam.

RANDEL:      (mangingiti) Ako na lang po magpapatulog sa kanya para makapagpahinga na rin po kayo.

HELEN:         Ay, hindi, ako na. Baka pag nalaman niyang daddy niya may hawak sa kanya, baka di na to matulog.

RANDEL:      Sige po.

HELEN:         Yong iba, nagpapahinga na rin ba?

RANDEL:      Siguro po. Pero yong mga lalaki, andun pa rin po sa baba, nag-iinuman pa rin po.

Here With MeWhere stories live. Discover now