88 - Closer

251 14 37
                                    


Ilang saglit pa...

ROSETA:       Ano sa tingin niyo, masarap ba?

LUANA:         Nay...the best po to. (sabay two thumbs up) Grabe ang sarap po!

ROSETA:       Salamat naman at nagustuhan mo.

RANDEL:      Ngayon ka lang ba nakatikim ng saluyot?

LUANA:         Oo. Bakit?

RANDEL:      Kaya pala. Don't worry, pagdating natin sa bahay, magpapaluto ako nito. As in yong ganitong luto. Kaya Nay, pwede po naming makuha yong recipe niyo?

ROSETA:       Oo naman.

RANDEL:      O, dahan-dahan lang, baka matinik ka. Ito, sayo na lang tong akin. Wala ng tinik to. Akin na lang yang sayo. (pagpapalitin ang nasabing piraso ng isda sa mga plato nila)

Tila nahihiya naman si Luana sa mag-asawa dahil sa ka-sweet-ang pinapakita ng binata sa kanya.

Pagkatapos maghapunan...

GENER:         Pagpasensyahan niyo na tong kwartong to. Medyo magulo ng konti.

RANDEL:      Wag po kayong mag-alala, naiintindihan po namin. Ganito naman po talaga pag may mga bata. Di po talaga maiiwasan yong ganito.

ROSETA:       E kayo, may anak na ba kayo?

Biglang masasamid si Luana sa narinig.

RANDEL:      Hey, okay ka lang? (sabay hagod sa likod ng dalaga)

LUANA:         I'm okay. (pasimpleng tatanggalin ang kamay ni Randel)

ROSETA:       Baka may nakaalala sayo.

LUANA:         (mangingiti) Baka nga po. (clears her throat)

RANDEL:      Ano nga po ulit yong tanong niyo, Nay?

LUANA:         (maiinis, in her mind) Haist! Pinaalala pa talaga.

ROSETA:       A...sabi ko kung may anak na kayo.

RANDEL:      Wala pa po.

GENER:         Wala pang balak?

RANDEL:      Baka next year po.

By then, mapapatingin ng masama si Luana kay Randel, panlalakihan niya ito ng mga mata at pasimpleng kukurutin sa may tagiliran. Ngiting may kasamang ngiwi naman ang tugon ng huli.

GENER:         Sabagay, mga bata pa naman kayo. I-enjoy niyo na muna yong kayong dalawa lang muna dahil sinasabi ko sa inyo, pag nagkaanak na kayo, ma-e-enjoy niyo pa rin naman ang isa't isa pero siyempre, iba na, kasi yong atensyon ng bawat isa mahahati na.

ROSETA:       Lalo ka na, Luana.

LUANA:         Po?

ROSETA:       Kasi ikaw ang nanay. Malimit, ikaw ang makakasama ng magiging anak niyo.

GENER:         Kaya dapat ngayon pa lang Randel, i-enjoy mo na tong panahon na to na misis mo pa lang ang nandiyan. Kasi pag dumating na yong anghel niyo, may kaagaw ka na. (sabay tawa)

RANDEL:      (pigil ang ngiti) Sige po, Tay, tatandaan ko po yan.

LUANA:         (mapapapikit, sa isip nito) Haist! Ano ba tong pinagsasasabi nila? Bakit napunta sa ganitong usapan? At ito namang unggoy na to, mukhang nag-e-enjoy pa.

ROSETA:        O sige, maiwan na muna naming kayo dito ha. Kung may kailangan kayo, diyan lang kami sa kabila. Wag kayong mahihiyang katukin kami.

Here With MeWhere stories live. Discover now