4 - Neighbors

4.9K 56 33
                                    

                 
WILLIAM:       Oo naman. Bakit mo natanong?

CLARENCE:             Don't tell us may balak kang mag-stay dun.

LANDER:       Yeah, I'm considering the place.

WILLIAM:       Sigurado ka na ba diyan, pare? I mean marami na tayong magagandang lugar na napuntahan before pero dun talaga yong gusto mo?

CLARENCE:             Oo nga. Tsaka pare naman, ang laki-laki ng hacienda niyo sa San Victorio, ba't ba ayaw mong tumira dun?

LANDER:       Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayoko dun? Para mo na ring sinabi na wakasan ko na yong buhay ko if I stay there. Ayoko.

CLARENCE:             Ang sarap-sarap nga ng buhay mo dun e. Prinsipe ka kung ituring.

LANDER:       Yun na nga e. Para akong bata kung ituring nila, and I hate it. Feeling ko, imbalido ako pag andun ako. Lalo lang nilang pinapaalala sa akin yong kalagayan ko. Gusto ko, I have my freedom, gusto ko yong malaya kong gawin lahat. Ayoko ng minamanduhan ako ng iba. Gusto ko yong masulit ko yong bawat araw na meron ako. At isa pa, if I stay there, siguradong magkakabangga lang kami ng kapatid ko.

Hindi makakasagot ang dalawa sa sinabi ni Lander. He has a point.

LANDER:       Ano ba kayo? Plano pa lang naman to. Kino-consider ko pa lang naman yong place; everything's still pending. I still have other alternatives. At kung matuloy man ako, you're always welcome para bumisita. May sasakyan naman. And also, para once in a while din, makapag-unwind kayo.

WILLIAM:       Ikaw ang bahala, bro. Basta kung saan ka masaya, doon kami, di ba tol? (sabay high-five kay Clarence)

CLARENCE:             Oo naman.

LANDER:       Salamat...salamat sa pag-intindi at pagsuporta. (titingin sa labas at sa isip nito) Luana, magkikita pa tayong muli, pangako yan. Antayin mo lang ako.

Samantala...

LUANA:          Wala talaga? As in wala ka talagang nakita? As in di mo talaga nakita?

BADONG:      (mapapalakas ang boses) Ate naman e. Paulit-ulit na lang ba tayo? Naririndi na teynga ko sayo e. Sinabi ko na sayo. Wala! Wala! Wala! As in wala talaga akong nakita.

LUANA:          (inis) E ba't ka naninigaw? Bulag ako, hindi bingi.

BADONG:      Sorry...ikaw kasi e. Ang kulit-kulit mo.

LUANA:          Sorry din kung paulit-ulit ako. Nasasayangan lang kasi talaga ako dun...bigay kasi yon sa akin ni Mama. Yon na lang yong natitirang alaala ko sa kanya tas nawala ko pa. (starts to weep)

BADONG:      (aaluin si Luana) Ate...sorry talaga. Ginawa ko naman lahat e. Hinanap ko talaga siya, pero wala talaga. Wag ka ng umiyak please. (pupunta sa may likuran ng kinikilalang kapatid at yayakapin ito ng mahigpit)

LUANA:          Siguro nga, ginusto ng pagkakataon na mawala ko yon, para tuluyan na kong makalimot sa nakaraan.

Marahang hihilahin ni Luana sa may kamay si Badong and leads him in front of her. Then she lifts her hands and cups his face.

LUANA:          Kailangan ko na talagang magpatuloy sa buhay nang hindi na nakabuntot yong nakaraan ko, kasama ang bago kong pamilya—ikaw tsaka si Nanay Helen.

BADONG:      Don't worry, Ate... (wipes Luana's tears away) ...pag malaki na ko, tas may trabaho na ko, tas marami na kong pera, kahit sampung bracelet na perlas pa bibilhin ko para sayo. Gusto mo diamond pa nga e.

Here With MeWhere stories live. Discover now