56 - Tutor

1.5K 46 28
                                    

                   
Samantala...

RANDEL:      (hahabol sa papalayong dalaga) Luana! Luana, sandali.

LUANA:         (mapapatigil sa paglalakad, inis) Ano na naman?

RANDEL:      Saan ka pupunta?

LUANA:         (masama ang tinging haharapin ang binata) Saan ako pupunta? Doon. Doon sa lugar na kung tawagin, 'wa-la-kang-pa-ki-a-lam'. (sabay talikod)

RANDEL:      Huh! Funny. If I know, tatakasan mo na naman trabaho mo.

LUANA:         (haharap ulit) Excuse me! How dare you say that!

RANDEL:      Saan ka nga kasi pupunta?

LUANA:         At ano ba kasing pakialam mo? Ba't ba ang kulit mo? Kanina ka pa a. Tantanan mo ko, pwede? Dahil kanina pa ko naaalibadbaran sa presence mo. Kuha mo?

RANDEL:      Luana, alalahanin mo yong nangyari sayo. Paano kung may mangyari—

LUANA:         Pwede ba, tigilan mo ko diyan sa pag-aalala mo kuno 'cause I won't fall for that. At sinasabi ko sayo, as long as you keep yourself away from me, walang mangyayari sa akin...dahil walang malas. And if I know, gusto mo lang akong buwisitin kaya ka sunod ng sunod na parang aso. Gusto mo lang talagang mahanapan ako ng butas at kapalpakan para masita na naman ako. Bored ka na naman siguro no at ako na naman ang napagdidiskitahan mo?

RANDEL:      (hindi makakasagot, in his mind) Gusto ko lang makasigurado na di ka gagawa ng anumang kalokohan na maglalagay na naman sayo sa panganib.

LUANA:         O ano? Di hindi ka na nakasagot diyan. At tsaka, wag mo nga kong tingnan ng ganyan. Hindi ka pa ba masaya na nasira mo na araw ko umagang-umaga pa lang?

RANDEL:      (smirks with amusement) Really? (kailangan nitong sakyan ang dalaga para hindi siya masyadong mahalata) Well then, that's good to know. At least alam mo.

LUANA:         Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kalian. (tatalikod at muling maglalakad)

And much to her annoyance, sasabay uli sa paglalakad nito ang nakangising binata.

LUANA:         (mapapatigil ulit sa paglalakad) Ano ba?! Will you just leave me alone?

RANDEL:      (nang-aasar) Naisip ko lang, baka gusto mong may kasama habang nagpapahinga ka.

LUANA:         (titingin sa langit) God, what have I done wrong this time? (nanggagalaiting titingnan si Randel) Pwede ba, tigilan mo na ko? Dahil kung hindi...

RANDEL:      Dahil kung hindi, ano? Gagawan mo ko ng masama?

LUANA:         More than that. Baka hindi ka na abutin ng takip-silim.

Imbes na sagot, malakas na tatawa ang maririnig nito sa binata.

LUANA:         Ugh! Just go to hell! (bibilisan ang paglalakad)

RANDEL:      Sure! But I'll make sure kasama ka. (sasabayan ulit ang dalaga)

Hindi sasagot si Luana. Isang matalim lang na tingin ang ipupukol nito kay Randel. Then something comes to her mind...

LUANA:         (biglang mapapatigil sa paglalakad) Ahhh! (mapapikit pa ito na tila nahihilo)

RANDEL:      (alalang-alala) Luana, bakit? (hahawakan nito sa braso ang dalaga)

LUANA:         Don't you dare touch me! Kita mo na! Malas ka talaga. Kung hindi dahil sayo...aahhh! Kasalanan mo to e. (sasapuin ang ulo)

RANDEL:      Sorry, I'm sorry. Okay ka lang ba? Gusto mo, umuwi na tayo?

Here With MeWhere stories live. Discover now