61 - Dubiety

1K 42 27
                                    


Sa kwarto nila Luana...

LUANA: (ngiting-ngiti) Hi!

VANGIE: Hi ka diyan.

LUANA: O, bakit?

NEMO: At nagtanong ka pa kung bakit. Alam mo bang sa ginawa mo, super bad trip si Sir sayo? Mukhang pati sa amin, bad trip din.

LUANA: (ngingisi) Talaga?

NEMO: At tuwang-tuwa ka pa talaga. Bruhang to.

LUANA; Talaga! Dahil at least nakabawi ako kahit papano sa unggoy na yon.

NEMO: At kami naman yong nag-suffer?

LUANA: Hindi naman yon yong gusto kong mangyari. Gusto ko lang na inisin yong mokong na yon. Sorry kung pati kayo nadamay sa inis niya. Peace yow! (sabay pa-cute na peace sign)

VANGIE: Peace peace ka diyan. Kung nakita mo lang sana yong pagmumukha ni Sir, parang alalang-alala na galit na naiinis, na nababagot, na parang natatae, di mapakali at gusto ng umuwi. Basta, halo-halo.

NEMO: To make it short, di siya nag-enjoy na kasama kami.

LUANA: So nabuwisit nga talaga siya? Buti nga sa kanya.

VANGIE: Paanong di mabubuwisit yon e wala ka nga.

LUANA: Eh? Anong kinalaman ko dun? Dapat nga matuwa pa siya dahil wala ako. Ano ba sa tingin niyo, mag-e-enjoy siya pag andun ako?

VANGIE: Malamang! Ikaw pa naman ang gusto—

NEMO: Ikaw ang gusto niyang mainis kasi nga kasama siya. Pero yon nga, naiinis siya dahil naisahan mo na naman siya, di ba Vangie? (makahulugan ang tinging ipupukol sa kaibigan)

VANGIE: A...e...oo...tama, tama. Yon nga. (ngingiti sabay talikod, kunwari inaayos ang mga dalang pinamili, in her mind) Haist! Muntik na naman ako dun a.

LUANA: Hayaan niyo siyang mabuwisit. Tama lang sa kanya yon. Teka, asan na yong mga pinamili niyo?

Magkakatinginan ulit ang dalawa.

VANGIE & NEMO: Ha? A...e...

Hindi malaman ng dalawa kung ipapakita ba sa dalaga ang mga nabiling swimsuit.

LUANA: Maganda ba? Patingin! (sabay kuha ng isang paper bag) Wow! Ang cute naman nito. Ito ba akin?

Hawak nito ang isang one-piece swimsuit na may sleeve at ruffled skirt.

VANGIE: Hindi. Akin yan.

LUANA: Ito? (sabay turo sa isa pang bag)

NEMO: That's mine.

LUANA: (ialalabas ang isang extra large one-piece) Sayo to? Sure? Isusuot mo to?

NEMO: Grabe naman to. Sana tinitingnan kasi lahat ng laman niyan di ba? May shorts po diyan.

LUANA: A, okay. Sorry po. So, ito akin? (kukunin ang isa pang bag) Kayo ba pumili for me?

Iling lang ang maisasagot ng dalawa.

LUANA: Hindi? E sino? Si Mamang?

Iiling ulit ang dalawa.

LUANA: Alangan namang si Laiza?

Magkakatinginan ulit ang dalawa tsaka iiling.

LUANA: Wait...don't tell me...

Sabay na tatango ang dalawa.

Here With MeWhere stories live. Discover now