86 - Reminiscing

250 11 19
                                    


Pagdating ng gabi, magpapasyang pumunta sila Luana at Fe sa may malapit sa pool area para magkwentuhan. Di sila makalabas dahil sa malakas na buhos ng ulan. Mahigit isang oras ding magkukwentuhan ang dalawa bago magpasyang umakyat na si Fe.

FE: O, siya, maiwan na muna kita dito ha? Wag ka na ring masyadong magtagal kasi malamig. Wala ka pa namang dalang sweater man lang o di kaya balabal.

LUANA: Okay lang po ako, manang. Salamat po. Kita na lang po tayo maya-maya.

FE: Sige.

Sa may lift, makakasalubong ni Fe si Randel.

RANDEL: Si Luana po?

FE: Andun sa may pool. Maya-maya pa daw siya papanhik.

RANDEL: A...ganun po ba? Sige po.

Sa may pool, madadaanan ni Randel si Luana na nakaupo sa dulo ng isang mahabang beach chair, yakap-yakap ang sarili. Lalapit ito, huhubarin ang suot na jacket at iaayos sa nakaupong dalaga.

LUANA: No, thanks. (tatanggalin na sana nito ang jacket pero pipigilan siya ni Randel)

RANDEL: Diyan lang yan or isusuot ko yan tas yayakapin kita?

LUANA: Tss! (sabay irap)

RANDEL: Ba't ka pumunta dito ng wala man lang dalang balabal or sweater? Gusto mong sipunin? (uupo ito sa katabing beach chair na inuupan ni Luana)

LUANA: Pumunta ka ba dito para lang sabihin yan?

RANDEL: Seryoso ako.

LUANA: Kung pumunta ka dito para pagsabihan lang ako, pwede umalis ka na?

RANDEL: Hay...ang tigas talaga ng ulo.

Isang mahabang katahimikan ang mamamagitan sa dalawa. Malayo ang tingin ni Luana samantalang titig na titig naman si Randel sa dalaga.

Ilang saglit pa...

RANDEL: Sana sa pag-uwi natin hindi tayo abutin ng malakas na ulan sa daan.

Wala pa ring imik ang dalaga.

RANDEL: Luana...paano mo nalaman yong lagusan sa pader?

Hindi iimik ang dalaga, tila wala itong naririnig.

RANDEL: Alam mo ba na si Lander ang dahilan kung bakit meron nun dun?

By then lilingunin siya ng dalaga. Makikita niya sa mga mata nito ang pangungulila at bakas sa mukha nito ang paghihintay sa kung ano pa tungkol kay Lander ang sasabihin niya.

RANDEL: (sa isip nito) Masakit na makita sa mga mata mo ang labis na pangungulila sa kanya pero kung ito ang paraan para makuha ko ang attention mo, handa akong magtiis. Titiisin ko ang sakit gaano man to katindi.

At magsisimula na tong magkwento tungkol sa kakambal.

RANDEL: Noong mga bata pa kasi kami, madalas kaming maglaro dun ni Lander pero kailangan pa naming umikot para makapunta doon. Medyo malayo yong iikutan tapos mabilis siyang hapuin. Kaya nung napadalas yong atake niya, pinagbawalan na kaming pumunta doon na labis naman niyang ikinalungkot. Kaya isang araw, nag-isip siya ng paraan para makapunta dun ng di na kailangan pang umikot. Alam mo kung anong ginawa niya?

LUANA: Ano?

RANDEL: Hulaan mo.

LUANA: Haist! Nambitin pa. Hindi ko alam.

RANDEL: Hulaan mo lang.

LUANA: Umakyat siya sa pader?

RANDEL: Mas maganda sana kung ganun lang pero mas matindi yong ginawa niya.

Here With MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz