3 - A Revelation

5.3K 60 25
                                    

Habang naglalakad sila Lander at Badong palabas...

BADONG: Pwede bang magtanong?

LANDER: Ayan nagtanong ka na.

BADONG: Ito naman. Seryoso ako.

LANDER: Oo ba. Basta ba kaya ko siyang sagutin.

BADONG: Maganda ba ang ate ko?

LANDER: Ha?

BADONG: Bingi ka ba? Sabi ko, maganda ba Ate Luana ko?

LANDER: O...oo naman. (sa isip nito) Sobrang ganda.

BADONG: Yong totoo.

LANDER: Oo, ang kulit. Ba't mo natanong? Nakikita mo naman siguro di ba?

BADONG: Wala lang. Alam ko naman na yong ate ko ang pinakamaganda sa buong Del Royal, baka nga pati sa buong Pilipinas at sa buong mundo. (biglang malulungkot)

LANDER: O...ba't ka malungkot?

BADONG: Nag-aalala lang kasi ako sa kanya.

LANDER: Ha?

BADONG: Super ganda ni Ate Luana at super bait pa, pero hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend. Alam mo kung bakit?

LANDER: Bakit?

BADONG: Hindi mo alam ang sagot? Nakita mo na ngang bulag siya di ba?

LANDER: Sorry naman.

BADONG: Dahil doon, iniisip ng lahat na magiging pabigat lang siya sa kanila pag nagkataon. Kung tutuusin, ang daming niyang tagahanga. Madaming may gusto sa kanya dito. Pero hanggang doon lang sila. Ang inaalala ko, paano kung tumanda na siya, tas wala pa rin siyang asawa? Sino nang makakasama niya? Sinong mag-aalaga sa kanya?

LANDER: E di ikaw.

BADONG: E hindi naman ako magiging asawa niya e. Di ba dapat, ang asawa mo ang mag-aalaga sayo pagtanda mo? Ikaw ba may asawa na?

LANDER: Teka, (mapapatigil sa paglalakad) ba't mo ba sinasabi sa akin yan?

BADONG: Sagutin mo na kasi yong tanong ko.

LANDER: Wala akong asawa. (magpapatuloy sa paglalakad)

BADONG: E...girlfriend?

LANDER: Okay ka rin no. Ang bata-bata mo pa pero kung makapagtanong ka, parang kaseng-edad lang kita a.

BADONG: Sige na, sagot na kasi.

LANDER: Wala.

BADONG: Ha? Sa hitsura mong yan, wala? Imposible.

LANDER: Tingnan mo to, magtatanong tas di naman maniniwala. Wala nga talaga.

BADONG: Ahhh...dapat maghanap ka na rin kung ganun. Para pag tumanda ka, may mag-aalaga sayo.

Si Lander naman ang malulungkot sa sinabi ni Badong.

LANDER: Baka hindi na mangyari yon.

BADONG: Bakit naman? Yang gwapo mong yan, tas mukhang mayaman ka pa. Sigurado ang daming babaeng nagkakandarapa sayo ngayon.

LANDER: (biglang matatawa ng marahan dahil sa kadaldalan ng bata) Alam mo ikaw, ang daldal mo talaga no? Kung makapagsalita ka, aakalain ng kausap mo, isa kang matanda na nagtatago sa katawang bata. (sabay gulo uli sa buhok ni Badong)

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon