98 - Blessing

382 15 16
                                    


LUANA:         A...baka kasi sa ano...um...(mapapalunok) Baka sa...baka sa stress, kaya ganun...medyo...medyo delayed ako this month. Alam niyo naman siguro kung anong nangyari nitong mga nakaraang araw di ba?

NEMO:           Sabagay. Siguro nga.

CORA:           Sigurado ka ba diyan?

LUANA:         (mangingiting tatango) Opo.

CORA:           A...e...sige kung ganun. Pero...pag yan napadala, magpatingin ka na.

LUANA:         Opo. Um...Mamang...

CORA:           Hm?

LUANA:         Um...pakiusap po sana...na...na wag na po sanang makarating to kay...kay Randel.

CORA:           At bakit?

LUANA:         Mamang, kilala niyo naman po yon. Alam niyo naman po siguro kung gaano siya ka-OA pagdating sa mga ganito.

CORA:           (mangingiti) Ikaw talaga. Siyempre mahal na mahal ka nun e. Natural lang na mag-panic yong tao.

NEMO & VANGIE:   Korek!

LUANA:         (titingnan ng masama ang dalawa) Tss! (kay Cora) Mamang...please? Nakikiusap po ako. Kahit ngayon lang po...pleeeease?

Hindi makakaimik si Cora.

LUANA:         Lalo lang po kaming mag-aaway nun dahil sa ka-OA-an niya. Alam niyo naman pong naaalibadbaran ako sa unggoy na yon.

VANGIE:        Grabe naman to.

LUANA:         Please, Mamang...

CORA:           (mapapabuntong-hininga) Okay. Pero pag ito naulit pa, pasensyahan na lang tayo pero kailangan na talaga niyang malaman.

LUANA:         (mapipilitang tumango at ngumiti) Opo.

CORA:           O, sige, magpahinga ka na muna.

LUANA:         Sige po.

CORA:           Hindi ka ba aakyat?

LUANA:         Mamaya na lang po. Sasabay na lang po ako sa dalawang to. Patapos naman na po kami dito.

CORA:           Sige.

Pagkaalis ni Cora...

NEMO:           Girl, sure ka bang okay ka na?

LUANA:         Oo, kaya wag niyo na kong alalahanin.

VANGIE:        Naniniguro lang kami. Nag-alala kaya kami masyado kanina. Akala namin kung ano na'ng nangyari sayo.

LUANA:         Aww...salamat sa pag-aalala. Okay na ko. Promise. (pero in her mind) Ano ba tong nangyayari sa akin? Hindi kaya...o Diyos ko! Wag naman po sana. Wag naman po sanang mangyayari yong kinatatakutan ko.

Two days after...

NEMO:           Si Luana?

VANGIE:        Nasa kwarto niya. Masama na naman daw ang pakiramdam.

NEMO:           Nahihilo na naman?

VANGIE:        Parang. Ang putla niya.

NEMO:           Ito na nga bang sinasabi ko e.

VANGIE:        Paano yan?  Sasabihan na ba natin si Mamang?

NEMO:           Ano pa nga ba?

Here With MeWhere stories live. Discover now