"Elleana"..sabi ni Tita Macey at confirmed sya ang nanay ni Elle, bakit di ko man lang napansin na hawig sila ng nanay niya, dun ko lang napansin na kanina ko pa pala sinusuri ang mukha niya.

Napailing naman ako sabay napangiti sa mga isiping yun tsaka tuluyan na akong umakyat papuntang kwarto ko.

Pagkapasok ko ay agad akong pumasok sa banyo para magshower tsaka magpalit ng damit.

Saktong labas ko ay nag-vibrate din ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.

One New Message..
From: Unknown No.
Please save my no.
It's me, Sydney..
7:04 pm

Kung ganong text message din lang ang mababasa ko ay might as well patayin ko na lang ang cellphone ko.

Bumaba na ako kahit di na ako tinawag ni mommy at napansin kong si Tita Macey na lang ang natira.

"Hey mom, tita"..hindi ko alam pero feel na feel ko talagang tawagin syang tita ngumiti naman ito sa akin kaya ngumiti dina ako pabalik.

"Dinner's ready!!"..masayang anunsyo ni mommy at umupo na ako sa usual na upuan ko kapag kumakain kami.

"Mom, where's dad?"..tanong ko namn ky mommy.

"As for your dad, may business mayter syang kailangang asikasuhin sa isang ivestor ng kompanya natin kaya hindu sya makakauwi kaagad"...paliwanag naman ni momny kaya tumango na lang ako.

Tahimik naman kaming kumain hanggang sa basagin ni mommy ang katahimikang kanina lang ay namuo sa pagitan namin.

"Mars, do you mind if I ask for your daughter's picture, May kaibigan din kasi si Zack na nakilala ko sa America and her name was same as your daughter's name"...paliwanag naman ni mommy kaya naman sandaling kinuha ni tita Macey anf cellphone nya sa purse na dala nya at ipinakita nya ang picture dito sa mommy ko.

"Oh my god, so tama pala ang akala ko, she was really your daughter, kaya pala nung encounter namin, I really thought that her face is somehow famillar to someone I know, pero ang pumasok sa isip ko nung time na yun ay ikaw Mars, it turns out na anak mo pala ang batang iyon"...masiglang pagpapaliwanag ni mommy at natawa naman si tita sa kanya.

"Magkamukha kasi kami, I mean halos magkamukha na"...sabi naman ni tita at lumingon ito sa akin.

"So I never thought na nagkaroon ng kaibigan si Elle na isang lalaki, and I'm glad na ikaw yun hijo"...sabi ni tita at ngumiti naman ako.

"She is really a nice person tita and friendly"..sagot ko naman habang malawak na nakangiti.

"Is that so, minsan kasi snob din yung babaeng yun"..pagkukuwento ni tita sa amin.

Matapos ang usapang yun ay nagpunta na lang ako sa rooftop para mag-pahangin.

Naalala ko tuloy yung mga kuwentuhan namin nila mommy kanina kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti.

Ano ba naman yan Zack, galing ka lang America, lagi ka ng nakangiti?

Pagkausap ko sa sarili ko dahil hindi naman ako ganto dati.

Hayy!! Napailing na lang ako sa naiisip ko at kiuha ko na lang ang cellphone ko pero pinatay ko rin agad dahil wala naman akong nakitang matino doon.

Pero may bahagi sa akin na naghihintay na tumawag sya o magtext man lang...

Hindi na rin naman ako nagtagal dito at bumalik na rin ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay nahiga na ako at namalayan na lang ako na tuluyan na akong nilalamon ng antok.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon