22 - Solitary Love

890 21 18
                                    

Hindi sya nakaimik habang ako naman naluluha na. Matagal ko na rin kasing gustong sabihin to sa kanya.

Tumayo ako at pinunasan ang nagbabadya kong luha. Ayokong ipakita na mahina ako kahit yun naman ang totoo.

"Anong pustahan ang pinagsasabi mo?" galit n'yang tanong. Nagmamang-maangan pa.

"Narinig ko kayo nag-uusap ni Davenant."

Malapit nang dumating ang girlfriend n'ya. Alam kong mula pa lang sa malayo umuusok na ang ilong n'ya sa galit. Pakiramdam ko ang epal-epal ko na. Masyado akong nagpapa-involve sa love story nila na wala naman talaga ako dapat doon kahit extra.

"Andyan na ang girlfriend mo."

Kahit pakiramdam ko gusto kong umiyak sa tabi n'ya dahil sa nangyari kanina bigla ko ring naisip na sino ba ako para magsumbong sa kanya? Roommate lang naman ako at wala nang hihigit pa.

"Nag-assume ka na pinagpustahan ka namin? Narinig mo ba ng buo ang pag-uusap namin ni Dave?" pagalit n'yang tanong kaya napaisip ako. Umalis nga lang pala ako bigla.
"Okay. Mukang kahit anong paliwanag ko, masama na ang tingin mo sa 'kin. Bahala ka kung anong isipin mo."

"B-Bakit kayo magkasama?" nakakunot ang noo ni Calmae nang maabutan n'ya kami na magkausap.
"Let's go Blaire, hinahanap ka na ni ma'am."

"Oh 'tol anong happenings dito?" dumating din si Davenant at lumapit sa'kin. Napansin n'ya agad ang galos ko sa muka. Ang dugyot ko na nga kung ano-ano pang gulo pinapasukan ko. "Napa-away ka na naman?"

"'Wag mo kayang hawakan, dumi-dumi ng kamay mo—teka lang, bakit mo ko kinakausap? Magkabati ba tayo?"

Nginitian lang n'ya ako sabay hawak sa kamay ko para ilayo sa dalawang 'yon. Mas okay na siguro 'to. Mas okay na talikuran ko na lang sila para hindi ko na rin makita na magkasama silang dalawa. Tumalikod na lang ako agad at nagkunwaring hindi sila naririnig kahit ang totoo, gusto kong hatakin si Caryle palayo kay Calmae pero isang malaking ilusyon lang yun. Hindi ko naman kayang gawin

"Pupuntahan ko lang si Daillie. Una na 'ko Davenant," paalam ko sa kanya.

"Pa'no yang mga sugat mo?" habol nya pa pero ayoko na magpapigil.

Habang naglalakad ako pinupunasan ko ng kamay ang muka ko. Napatingin ako sa salamin nang mapadaan ako sa isang kotse. Nakita ko yung repleksyon ng dugyot kong itsura doon.

"Bakit kasi ang dugyot-dugyot ko eh," napa-upo ako habang pinanahid ang pisngi kong basa na ng luha. Naririnig ko ang paghagulgol ko. Gust kong batukan ang sarili ko dahil sa mga nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko na lang na may nagbato sa ulo ko ng kung anong malambot na bagay.

Pag-angat ng muka ko nakita ko si Elavel na nakapamulsa, naglalakad papalayo sa'kin. S'ya kaya ang nagbato ng tissue sa ulo ko?

"Chararat! Saan ka ba nanggaling!" pagtayo ko dahil sa pagkagulat sa sigaw ni Daillie hindi maipinta ang muka nya nang humarap ako, "anyare sa'yo chararat? Bakit ang dami mong galos? Yung totoo? Anong ginawa mo sa CR?"

Ngumiti lang ako at napakamot sa ulo, "Hehe alam mo na, medyo lampa ang lola mo. Kumusta? Nagkalat ba si Niel?"

Hindi na sumagot si Daillie, hinatak na lang nya ako papasok sa loob. Nakita kong nasa stage si Niel at magkatabi sila ni Junjie, parehong may hawak na trophy.

"Second place ka, Chararat! Congrats!" halos wala pa ako sa ulirat nang yakapin ako nang nagtatatalon na si Daillie. Parang double ang pagkapanalo ko ngayong gabi. Una dahil na-appreciate ang ginawa kong kanta at pangalawa kasama ko ngayon ang bruhang 'to.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Kde žijí příběhy. Začni objevovat